Sa kintab at kinang na nagbulag sa akin
na wala palang ibang laman kundi hangin
akala mo kung sinong makapagmataas
pero kay dali namang maagnas
sa isang pitik na kala ko'y matagal na magtitiis
Isang titig lang pala ang makakapag-alis
Sa bulang sinalamin lahat ng kulay
pero tagos pa rin sa aking paningin
Na iyong walang humpay na inangkin
sa isang Putok ay ubos ang lahat
pati ang kislap mong ako'y nasalat
Pasuray-suray sa mahinahong pag-ihip
at sa loob ay wala man lang masilip
in the photo: Sitti Anillo-Mostajo-Soliva -->
No comments:
Post a Comment
so, whatcha say?