Sunday, March 13, 2011

Pulang Langit

Sinong namatay sa langit?
Sino ang umiyak pabaligtad
at pinasipsip sa mga ulap ang hinanakit sa mundo?

Nagpaparamdam ang siyang mga di natin nakikita
nasa kabilang ibayo ng dagat
at naghahalo na ang dugo at luhang maalat
sa hagupit ng malalakas na alon.

Mapula na ang kanilang mga mata
Nagraragasang di humuhumpay na sakit ng LAHAT.
nakahandusay sa pusod ng nakakautas na dagat.
Nabilad sa araw. Sumingaw na parang tubig at umakyat sa langit.
Namuo at humubog ng mga pulang ulap
NA SIYA NAMANG BUBUHOS NG DUGO SA ATIN.

 


No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?