Wednesday, April 13, 2011

Ang Bulkang Taal at Binintiang Malaki (dahil sasabog na ang Bulkan)

Sasabog na raw ang bulkang taal. Mejo nakakatakot pero parang di naman nag-eeskandalo ang mga tao dito sa amin. Petiks pa. Pero nitong mga huling araw ay may kumakalat ng balita tungkol sa evacuation. Kapag narinig na namin ang kampana ng tuklong ng Maugat at ng Ambulong, senyales na raw ito ng pagsabog ng bulkan (at pagpanic ng mga tao).

TANAW ANG BULKAN (photo taken by SC on my cam. )

Kahapon lang, habang kasama ko si SC (isa sa aking BFF :D ) sa pag-reresort hunting sa Talisay, nakita namin si George Carino. Na nagrereport umano tungkol sa pagdami ng cancellations ng mga bakasyunista dahil sa alburuto ng bulkan. Natakot pa sila. E kami tong nasa baybayin mismong ng lawa, kami pa tong nag-iinquire. Nang maabangan namin ang report niya sa TV Patrol, nasabi rin nga sa interview na wala namang dapat ikabahala ang mga turista. At sabi rin ni Papa, manonood lang raw kami ng ash fall. Pero para sa kasiguraduhan na rin ang pagsama sa kung saka-sakaling evacuation. Level 2 pa rin ang Alert Level. At pag level 3 na, sign na raw yun ng evacuation.

Hindi ko maiwasan, pero madalas na kasi akong napagkukwentuhan ni Papa tungkol sa kung anong meron noong panahon nila. Naikwento niya ang nasapit nila nung sumabog ang bulkan, noon 1965. Alas dos raw ng madaling araw sumabog ang bulkan. Parang kumukulog ng malakas, at sunod sunod na "KABOOM!". Di man tanaw ang mismong bulkan (kasi halos ka-level lang ng lupa sa amin), nakikita raw nila ang matataas na usok ng pagsabog sa maraming direksyon. Nanonood lang raw sila na parang nasa IMAX. :)) Pero di nagtagal ay umalis muna sila at bumalik makalipas ang isang linggo. Para walisin ang mga abo. Makatapos raw non ay may mga nililipad pa rin ng hangin na sulfur na hindi naman naging mapeligro.

Medyo malayo kami sa mismong pulo. Nasa 11 kilometro kami mula sa mismong crater na pulo. At nung huling pagsabog raw, marami ang namatay sa bayan ng Agoncillo. Doon daw ay halos matabunan ang isang puno ng niyog.Yung palapa na lang ang nakikita.

Naghanap-hanap ako ng mababasa tungkol sa kasaysayan ng Taal. Gusto ko sanang makahanap ng kopya ng Mysteries of Taal ni Thomas Hargrove.

Pero puro mga nauukol lang ang nakikita ko. Gaya rin ng kwento ng matatanda, dati raw ay puro ilog ang lawa. Nangangabayo lang sila pag pupunta ng Taal. At dahil sa pagputok nga ng bulkan at sa Basin structure ng paligid (Lahat ay palusong) ay nabuo ang lawa na kung tawagin ay Laeuna de Bombon. Kadugtong ito ng dagat. kahit naman hanggang ngayon. Pag pumupunta kami ng Taal ngayon, nakikita ko pa rin ang Pansipit River. Ang sabi ni Papa, malaki raw ito noon. Ito maaari ang nagpapaliwanag kung bakit may mga pang-dagat lang na mga nilalang sa loob ng lawa. Ang sabi ay may mga pating pa nga sa loob ng lawa. At may sinasabi pa si papa, na parang mga ahas na stripes na sa dagat lang nakikita. Di nagkalaon lang nawala ang tubig-alat ng Taal lake.

May mga lumubog mga simbahan sa paligid ng lawa. Ang sabi, sa paligid ng lawa nakatayo noon ang mga simbahan at ang mga bayan. Dito sa ngayong Banadero, makikita pa ang "ruins" ng lumang tanauan. Nakita ko na rin yun. Pero di ko nakita yung mismong ulo ng lumubog na simbahan. Pero nandon daw yun. May arko rin raw na parang "Welcome to Talisay" na lumubog sa loob ng lawa. Ang Lipa ay dating narito rin sa may malapit sa Tanauan bago pa ito nailipat doon sa mataas na Lipa. May tinatawag ring Bayan ng Sala. na ngayon ay yung bagong Tanauan. Binuhay na lang ang pangalan ng Sala sa isang barangay dito sa may Talaga.

ang laging akalang Taal Volcano o ang BININTIANG MALAKI


Kapuluan rin ang mga crater sa Taal Lake. Yung laging pinipicturan na magandang bulkan. Hindi yun ang totoong sumasabog (well, part pa rin) Pero yung malaking bundok. o ang tinatawag na totoong Taal Volcano Na may Lake din sa loob. at sa loob ng lake na yun ay may isang batong maliit na isla o yung VULCAN POINT. Maraming crater ang Taal Volcano. Nasa 47 na cones at craters. Meron pa raw tinatawag na Binintiang Munti. haha. Bale Lima yung mismong pinagsasabugan na crater yun Binintiang Malaki, Binintiang Munti, tapos meron pang Pira-piraso, Calauit and Mt. Tabaro Eruption Site.

Etong isla raw ng Binintiang Malaki. Wala yan dati. Isang gabi lang yun na-form after ng isang eruption. So biruin mo, pag gising ng mga tao, may nakita na agad sila, "Aba'y may bagong pulo!" Nabasa ko rin ang tungkol sa ALAMAT NG BULKANG TAAL. na tungkol kay Prinsesa Taalita at ang kanyang asawa na nalunod sa Lawa ng Bombon. (search niyo)

makikita sa picture na may malaking bulkan talaga sa gitna Taal Volcano tapos may bato na island. :D Tapos hiwalay yung binintiang malaki (yung akala na Taal Volcano)
Google Earth Picture from http://1day-at-a-time.blogspot.com
O yan, sa susunod dapat alam na ng mga tao kung alin yung kukuhanang picture pag sinabing Bulkang Taal.

Ang bunganga ng bulkan. Makikita yung VULCAN POINT. :)
Nakakatakot pero ang Bulkang Taal yung pinakamaliit na bulkan sa pilipinas. Tapos siya pang katangi-tanging nakasali sa DECADE VOLCANOES sa Pilipinas. Labing Anim (16) na bulkan sa buong mundo na mariing pinag-aaralan at pinagtutuunan ng pansin dahil sa napaka-deadly raw. at napakadelikado. Ito ang sinasabi ng PHIVOLCS na dahilan nila.
  • frequent activity
  • greatest number of elements at risk,
  • high population density of the region
  • complicated and little understood volcanology
  • excellent accessibility.
naks. parang enumeration items lang sa test. Pero totoo nga ngaman. ang daming taong nakapaligid sa lawa. Maraming bayan, syudad at may mga pulo pa. kagaya nung mukhang siopao at mukhang sapatos ni Mcdo (Napayong Island)

Gusto ko talagang mabasa yung  Mysteries of Taal. Para kasing andaming nakatago na dark history sa loob ng lawa. Andaming nangyari at andami pang mangyayari. Ang sabi, ang buong lawa raw ay parang crater na rin. Kasi napapaligiran nga ng matataas ng bulubundukin. Gaya ng sabi ko kanina. Basin yung structure. Anjan ang Tagaytay, yung Lipa, Mataas rin (Halos pantay na ng Tagaytay) Tapos mapapansin ring palusong lahat ang daan papunta sa lawa. Di ko rin alam. Baka masyado lang akong maraming naiisip.

Lolo from Batangas City. Taal Volcano View from Talisay

Bawal na raw mamangka/mangisda. Pinaalis na rin yung mga nakatira mismo sa pulo. At bawal na maghiking doon. Di ko napanood nung nagspeech ang ninang kong si Vilma Santos. (haha. joke lang po)  Pero sabi nga dun sa report ni George Carino, ang mga tao talaga, parang walang inaaalala. Ni ako nga, di pa rin nageempake. Pero sana naman, walang masamang mangyari at magwawalis lang kami ng abo.

GOD BLESS BATANGAS :)

sources:
  1. http://www.helium.com/items/2135012-scientists-say-philippines-taal-volcano-could-erupt-soon
  2. http://www.iml.rwth-aachen.de/Petrographie/taal-dt/ta-old-r.htm
  3. http://www.phil-ip-pines.com/taal-philippine-volcano.htmlhttp://http://travel.ezinemark.com/taal-lake-and-volcano-in-batangas-514274c13a9.htmlwww.iml.rwth-aachen.de/Petrographie/taal.html
  4. http://1day-at-a-time.blogspot.com/2009/04/knowing-taal-volcano.html 
  5. Papa Lito Anillo at mga kwento ng matatanda :)

1 comment:

  1. thanks po dito..dami ko po nalaman... :)

    ReplyDelete

so, whatcha say?