Wednesday, April 13, 2011

Lambana

Sa nangingintabang sinag na di maulinigan
Kung tunay bang masaya ang nasa kagubatan
Lumulapagi sa malulutong na tuyong dahon
At di mapangiti at di mapahinahon
Diwatang naliligaw sa sariling kasukalan
Na walang sariling paa't kandungan

Ako'y di matigilan
Pagkat ng mapamulat na ako'y kinalimutan
Ako ang nagpaparamdam na sira na ang kalikasan
Di ko inatubiling tuluyang lumaban
Kahit wala akong kimi't, walang itak
Sa kabahayan ang aking ula'y papatak
Mag-oorkestra ang sipol ng hangin
At magkakanda guho ang mga bangin
Matagal akong naghihintay
At ngayon siya'y nabahala
Buhay pa rin pala ang diwata...

photo taken on my cam. by Via Anillo. raw file. no photo edits.

No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?