DI KA MASILAY |
Sa matatandang puno na ni sariling ugat di na nakikita
Na di na masinagan kung anong nakakapa
Sa dilim Sa ilalim
Na patimos-timos ang sinag ng buwan
Gumagapang sa mga lumot at malalaking ugat
Sa mga umaakyat nangingilabot na sanga
Kapilas ng mga tuyong dayong nangalaglagan
Na hanggang ngayo'y di pa nararating ang kailaliman
Naghahalong putik
Na ni patak ng ulan di na napag-isa
Bahagyang makakadaloy sa dami ng sumasalong dahon
Pinagkaitang kalupaan
Sa kaharian ng matatandang puno
Sa masukal, madilim at maalingawngaw na kagubatan
At naroon ako, nakaupo sa isang batong buhay
Nakasilay sa isang silahis ng buwan
Na tinatapat sa aking palad
Matagal ng naliligaw
At boses pagaw na kakasigaw
Galos na ang tuhod, mga galamay at hita
Sa dilim na 'to, Kailan ka pa makikita?
pen and ink sketch on my sketch pad. :)
No comments:
Post a Comment
so, whatcha say?