Friday, October 15, 2010

Parirala

Nang muli akong managinip, sa malamig kong kama
Napasadya ang hamog na nagtakip sa aking mata
Ako'y ginayuma, ng sarili kong pangungulila
Sa mga gabing muling ilalaan sa mga putol na parirala

Sa mga kumot kong hagkan, pinagtaguan ng ngiti
Ang mga alaalang ako'y dito rati humihikbi
Nagmamagaling pagkat ngayon ako'y maginhawa
Wala na muling inaatupag kundi putol na parirala

Sa aking tulog, hindi nagbago ang maitim na talukap ng mata
Hindi nagbago ang buhaghag na buhok sa may mukha
Pero ngayo'y yakap ang unan, sa isang bakasyong kakaiba
Tatlong linggo muling magpapakamakata sa putol na parirala

Mahimbing na, matulog ang prinsesa
Sumosobra sa pagpapakaginhawa
Pagkat pagluwas muli, sa bilis ng oras sa Maynila
Gabi na lagi ang uwi, bagsak agad sa kama
Wala na uling panahon para sa mga putol na parirala


in the pic: Tamara Monet Pongan
@Grandstand UST

No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?