Naramdaman ko ang kisapmata ng langit
At ang ganda ng pagsinag ng ngiti ng umaga
Sa pamamaalam sa kabanatang, naudlot sa gabi
Makata pa rin pala sa dala ng madaling araw
Nananaginip ng gising sa naglalarong alapaap
Ang mga sandaling dinayo ko sa sariling mundo
Maapakan ko man lang ang lupang di natapakan
At ang kahulugan ng ikinalalim ng nakikita ko
Ako’y isang batang, nangangarap makalasap ng bago
Na hindi kasing plastik at kasing babaw ng pulitika
May nakabaon pa sa mga simpleng huni ng ibon
Sa maynilang maalinsangan pagdating ng tanghali
May kaya pang ibuga ang mga tao
Sa umagang tulog pa lahat sila
sa bahay sa ambulong. |
PS
Isang Pirasong Salita Series - free verse. mas malalalim. mas metaphoric. one word title.
Serica Noble Series -kwento ni Serica Noble
Tulang Hugot sa Ilalim ng Lupa Series - first batch. 2 lines rhyming. bihira gumamit ng 1st person.
No comments:
Post a Comment
so, whatcha say?