Panis na, sa labi, ang umaatras na pagkusa
Wala ng masindak sa sariling piga na sa pagdedesisyon
Tulog na magdamag, puyat pa rin paggising
Nag-eempake na ang mga mga matang, laging mutlain
Umaayaw na naman sa paghihintay, sa "ako ang hahawak sa manibela"
Matagal na akong nabubunggo, pero ni bangas wala sa'king makita
Kalyado na, ayaw na maperwisyo, sa tinging di naman maaninag ang anino
Kabigin man, wala siyang mararamdaman
Pagkat kahit siya'y di ko alam ang mundong kinamumulatan
At anong silbi ng pagbungisngis sa taong bihirang makikita
Kung ang ikakahantong ko lang ay ganito, AYAW NG MAKITA
Buhol na naman ang tamang pagdadaluyan ng aking mga ugat
Ang mga mata'y lumalabo at pakiramdam ay bumibigat
Lihis na sa tamang kalsada, kaya't aapakan na ang preno
Bago maaksidente at masugatan, sa lugar ng estranghero
AKALA KO BA,BAWAL NG MAKATA.
Pero iba pa rin pag may gana. :)
No comments:
Post a Comment
so, whatcha say?