May napuwing na kidlat sa langit
Nangingindat ngindat at maluha-luhang nanlalabo sa akin
Ang kanyang mga matang nagkalat sa dagat
na sa kalalima'y ag aking luha ang nagpaalat
Hagkan mo buwan ang kanyang napuwing na mata
Ilayo mo sa aking, walang sinisinta...
At ang kislap niya'y buhayin sa nakatulalang mga nilalang
Na naghihintay ng mabubulungang mga talang kumakaripas
At di nagpapahuli sa mga mandurugas
Na hiniling noong maging kanya lang
Ang binigay ng tala na kaligayahan...
Silang mga karapatdapat na maulinigan
Na maraming napupuwing na kidlat sa langit...
At hinihintay pa ang aking awit
na magkaroon na ng malinaw na kabuluhan...
Wag mo na akong hintayin, ikaw na napuwing na bituin...
Ako'y di pa rin mapalagay sa maibubulong sa iyo
Sa halip ika'y maghanap habang ako'y nambibikwas
at titingnan muna ang sarili ko ng buo...
Ako'y ligaw, nakatingalang matiyaga sa kadiliman
Na hinihintay lang malaglag sa akin,
Ang bituing nangingindat sa langit na napuwing ko...
No comments:
Post a Comment
so, whatcha say?