Tuesday, October 2, 2012

Kadiliman



Maputik, malagkit, madilim. 
Gaya ng nagbabadyang bagyo...
Na tuluyang magpuputol ng kuryente
Pang habang buhay na brownout
At umaasa sa liwanag ng buwan
Na hindi naman laging buong kumikinang sa kalangitan

Saan pa pupunta ang natitirang tapang ng mga aso
Kung sa una pa lang tinakpan na ang mga bibig
Pinutulan ng paa,
bago pa makatakbo..
bago pa hagarin at kagatan ng rabis
ang mga nagnanakaw ng aking Adobo

Tanggap ko ang aking pagiging pasaway
Gayunrin ang pagtitiis ko sa hapunan kong tinapay
At kailanma'y di ko sasayangin ang boses kong maganda
At di ko hahayaang pamantakan nila ako ng matatamis
At ako ay mamamamalat
Para lang di ako makanta ang musika kong sinulat

Ang sabi nila ako ay malaya
Binigyan ako ng dalawang mata para makita ang mundo
Mga bibig para masabi ang masasabi ko
Mga kamay para kumilos, maglikha ng aking kinabukasan
Sapat na ang lahat ng ito
Dahil lalala pa ang inggit ko
sa ibong may layang lumilipad... 

Published with Blogger-droid v2.0.9



No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?