Huwag mo akong takutin
Pigaan ng salitang walang tamang tala sa diksyunaryo
kung saan naroon ang mga titik na aking kayang lunukin
titigan ng buo at lamunin ng aking pagkatao....
Wag mo akong buhusan ng sindak
ng pinaghalu-halong pabangong walang isang simoy
pagkat sa ganitong gabing nagkandalamig
at matahimik ang lahat ng kuliglig...
Ay bibingihin ako ng sarili ko
ng mga tandang pananong...
Wag mo akong puslitin
At biglaing iluklok sa kantong wala akong ibang ilalaban
Kundi ang gulok sa ilalim ng aking bota
Ang balisong sa aking bulsa
at ang mga luhang hindi papatak mula sa aking mga mata...
Wag mo akong nakawan
Bawat kanto na lang akong nadudukutan
Bawat humarang na sabay takas ng aking pitaka
Ang aking mga ipinatago sa mga nakatagong tala...
Ngayong ganitong gabing nagkandalamig
At matahimik pa rin ang lahat ng kuliglig
At bibingihin ako ng sarili ko...
sa mga salitang di ko nasabi nung hawak ko na ang gulok..
at nakagilit sa leeg mo..
No comments:
Post a Comment
so, whatcha say?