Sunday, July 1, 2012
Sa Mga Ulap Lampas pa ng Langit
Doon sa parte ng langit na maliit na ang mundo
Sa kung saan ang alapaap ay hindi kulay abo
At ang pangarap ko'y makulay, mananatili sa alaala
At lahat ng nakikita ko'y aking kakilala
Sa dako ng kalangitang, natutulog ang mga tala
may lamig na ihip ng hanging hindi maginaw
At walang naaantala
Sa marahan kong paghimbing
Sa kakaibang katahimikan
at magaang kaluluwa
Ako'y mulat, ako'y malaya
habang ako'y nagpapahinga...
Doon sa bahagi ng kalawakang ako'y hindi nag-iisa
Kahit alam kong ako'y bihira ng makakapunta
Sa parte ng langit na maliit na ang mundo
Sa pangarap kong makulay,
at mga nakaw na sandali
at ang matatagal na kisapmata
na habang buhay sa aking alaala...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
so, whatcha say?