Nitong mga huling buwan ay nagkakagulo kami sa resulta ng AUSAT. Karamihan nga naman kasi, hindi naidiscuss, lalo na sa design. Katwiran ng mga prof, hindi daw dapat kami spoonfed, kailangan rin naming maghanap/mag-aral ng iba higit sa kung anumang itinuturo sa amin sa classroom. Pero sa lawak ba naman ng field namin at sa lawak ba naman ng bawat subjects na kinuhanan namin, e hindi na rin namin nameet ang ineexpect nilang kagalingan mula sa amin.
Front Page ng Varsitarian. Architecture Juniors Fails Mock Board Exams. Nakakahiya. Siguro iniisip ng ibang tao, talagang pera-pera lang sa Arki. Pero hindi talaga e. Hindi biro at pera lang ang pinili naming pag-aralan. Nag-aral talaga ako noong Isang Linggo, bago mag-AUSAT. Career to the max na pag-aaral na nakakalumbay. At alam kong hindi lang ako. Alam namin ang bigat ng exam na to at alam naming ang punterya dito e makapasa kami't masabing, "Pwede na kaming maging Architect". Marami akong magagaling na kabatch. Mga henyo ika nga. Pero kahit sila, 4/6 subjects lang ang pinasa. Mahirap ngang bumagsak kasama ng lahat at hindi niyo alam kung sinong sisisihin niyo.
Nag-aral ka naman di ba? Anim na sem kang ginapang ng mga magulang mo sa mahal niyong tuition. Sapat na dahilan para seryosohin mo ang mga bagay na kagaya nito. Pero bakit ganon? Sino ba talagang nagkulang? Ang mga prof na naggawa ng exam? O kaming mga estudyante na hindi man lang mapatunayang may 75% kaming alam sa dapat naming alam. Kahihiyan nga ba ng Kolehiyo dahil sa napakapanget ng image sa isa sa mga Top Architecture Schools ng bansa? Alam namin ang reputasyon. Alam namin ang mga dapat seryosohin. Pero hindi namin alam kung sino ba talagang may kakulangan sa malaking kabagsakan na to.
Nagkaron kami ng forum, ang Dean namin at karamihan sa mga kabatch. Ano ba raw talagang nangyari? Dismayado ang aming Dean gaya naming lahat. Reklamo namin. Marami po kaming hindi alam sa mga pinaglalagay niyo sa exam namin. Reklamo ng iba. Yung prof po kasi nung ibang seksyon, magaling, yung sa amin, tamad. Pasahan ng reklamo.
Nagtatalo sa kung ano na namang mangyayari sa ReTake ng buong batch. Kung babaan nila yung passing sa 50%, ang sabi ni dean, "You're in one of the top architecture schools in the country! tapos you only know 50% of what you should know?" May MALAKING punto siya. At alam kong kaya naming patunayang magaling talaga kami, (sabi nga ng group name namin sa FB BESTBATCH2014) Sa kadulu-duluhan, pumayag si Dean, 65%. Mabait na consideration na at game face na ang lahat. Sa July 31, Magkakaharap na ulit kami ng mga poknat na exams at malulunod na naman sa dagat ng reviewers.
Minsan talaga sa buhay... may mga naiisipan silang matinding sukatan ng talino mo, kung saan may nakasabit na kapalit kung di ka makapasa. Mangangarag ka, pipilitin mong patunayan sa sarili mong mauuna ka sa laban na to. Magbubuwis ka ng kung anumang meron ka. Pero dadating sa puntong, "Teka, Magkakape muna ako". Pag balik sa trabaho, kayod na naman. Liparan ang maraming handouts na naitago sa baul. Tapos, "Teka, ipapahinga ko muna saglit ang mata ko". Isang linggong ritwal. Isang linggong nakakulong sa kwarto at dinadalhan ng magulang ng meryenda at kukuwentuhan ka saglit para ganahan ka ng loob. Pero pag kuha ko nung exam, hindi ko alam kung magsisisi ba ko at nagkape pa ko o nagpahinga ng saglit. Nakakakonsyensya hanggang sa puntong isisi ko na talaga ang mga lumabas na tanong sa exam. 'Tragis! Anong Nangyari?
No comments:
Post a Comment
so, whatcha say?