Thursday, June 16, 2011

Litaw

Nakuha kong tumigil, at di huminga
Sa naglisang di nalimot, laging aalala
Anong siksik pa, sa buhay na nalulusaw
Sa isang basong tubig, mantika’y lumilitaw
Lumulutang, naglalaro
At di nakikihalo

Umagang nakamagnet ang likod sa kama
Araw-araw perwisyo, pagpikit nagdadrama
Hindi sapat ang mamuhay ng simple
Sa isang takot na akong babae
Mabagal naglalakad
Sa sapatos na kaladkad
Ako’y naghihintay na ako’y magsawa
Sa buhay kong di man lang gumiginaw
At ang lungkot ko’y luha’t tawa
Laging malapit lang natatanaw
Mahamog ang mata
Takot magalala
sunrise at South Luzon Expressway. Took this on my bus trip :)
TAMA NA. Sa nagkukulang kong kain
Gutom. Antok. At hinga lang ng hangin
Walang kuryente, walang sigawan
Walang nagmamakaawang tumigil ako
Umiikot, Naliliyo
Magsusuka na sa hilo

Payapa ka, nanatili sa dilim ng utak
Kabig lahat, ika’y wag lang magtulak
KABIG LAHAT! wag lang may makawala
Sa tindi ng kinikimkim na nakatala!!
HAPIT. PIGIL. Yapos ang tuhod
Diin sa matang wala ng mapanood
Pilitin mong lumitaw na ang sibol
ng mapayapang magbibitaw ka na
Kailan kaya titingala ang sariling batok
ako’y di na magising sa orkestrang tilao
Nakahimbing, Tumatakas
Lumitaw ka man lang sana ng mataas…

No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?