Maghapon kang nababaliwala
At habol ko ang iyong alaala
Mahagip lang minsan ang pangalan
At ikaw ang naiisip pag nabibilaukan
Sa dulo ng iyong mga daliri,
Sa hagkan mong, di makamtan
At ang utak mong pilit kong inaabot
Pagkat sa puso mo’y iba’ng nakalaan
Kulang pa rin, bumalik na naman ang riles
Ang muli’t-muling dadaanan ng nagpapakabilis
Ako’y humihinto, naghihintay…
Kung sakaling mayroong sasakay
KAHIT MABASA NGAYONG UMUULAN,
Saya man lamang ay matikman.
Abot tenga ang ngiti, kahit nakapikit
Syang yapos ko sa unan, nakahigang tagilid
Makumpleto lang ang araw, laya na sa lungkot
Pagkat sa layo mong iyan, ikaw pa rin ang gamot
Sa tindi ng dinanas, di pa rin naaagnas
Na hanggang ngayon malabo pa rin,
KUNG ITO BA AY WAGAS?
*Ampiyas – yung talsik ng ulan kahit nasa silong ka na. Kahit nakapayong ka na, nababasa ka parin.
No comments:
Post a Comment
so, whatcha say?