Mahirap sa mapagyamot na kandila
Ang maubusan ng matutunaw
Pagkat ang mitsa pa ri’y nagliliyab
Sa kaluluwa niyang nalusaw
At ang kurampot na gabing naglipas
Na sa kanya'y walang naaagaw
Kundi nagdadaang tingin ng
Sa liwanag nangunguhaw
Ibang silahis, nagtatago
Sa kurampot niyang natitira
Isang dapo ng insekto
Pinahugot siya’t pinasayaw
At ang puso niyang nanimdim
Napadpad sa luha ng kandila
Tuluyan ng nangamatay
At habang panahong mangungulila…
No comments:
Post a Comment
so, whatcha say?