Ramdam kita
Sa abang hinaharap na naghihintay
Tama bang unahan ang nagmamadali
sa ilalim ng iyong tapaludong
Higit akong nasagasaan
at ako ang nakipagbanggaan
sa walang hanggang hinanaing
sa buhay na puro kakulangan
Nagbalik na ang mga salitang nalakip sa ilalim ng kama
At ang mga kuliglig nakikireunion sa tunog ng makina
Mapayapa ang gabing, ang mga mata'y nabubulag na
Sa isa na namang kabanata ng lumang pelikula
Sa uli't-ulit na tema ay bulok na ang prutas
Pagkat ubos na mundo para dito iparehas
Wala na ring maihihigit kung nasa kinta na ako
At kapag kinabig ko pa ay baka umatras na ako
Ilang letra ba ang bumubuo sa makata
para masabing malalim ang hinuhugot ko
May maitutulong ba ang isang pirasong salita
sa pagpapasimple ng mga pinapakomplikado ko
Nabutas na't tinahi, natastas pa't napunit
At ang plakang noo'y nasira, eto na nama't inulit
imgsource: http://lastprice.files.wordpress.com/2008/11/broken_record.jpg
Of course, what a great site and informative posts, I will add backlink – bookmark this site? Regards, Reader.
ReplyDelete