Mga pulang langit at baliktad na liriko ng kanta
at Lilang alon ng mga nagraragasang kanta ng lawa
sa lahat ng kulay na mali, at sayang walang tumbas
Mga di karaniwang kwento at larawang kapilas
Sandamakmak na talento't sanggalong takas
Nauubos ang lahat ng ligaya sa makinang na lumilipas
Matatapos na ba at bagong liko na sa mahabang hagdan?
O, lusob pa rin, sisid sa malalim na tubig alat
Tititigan pa kita, ilusyong pininta ng langit
at i-i-in in pa kita bago magising ang lahat...
Nakakatakot magwakas ang lahat ng ito
at katotohanan na lang ang tira sa lahat
No comments:
Post a Comment
so, whatcha say?