Sunday, February 17, 2013

Arki's Got Talent 2013

May malakas na ilaw na nakatutok sa kanya. Hindi niya makita kung sino ang sumisigaw ng "Go Bern!" pero kumaway siya at ngumiting wagas sa taas. At paulit-ulit nilalamon ng kaba at ligaya. Na para bang huling hirit ng pelikula. Ito na yun e. Ito yung panaginip mong makatungtong sa entablado at nakapikit ang iyong mga mata, at lahat ng tao'y nakatitig at nakikinig sa iyong kanta... Kumawala ka Cess, Gumising ka... Hindi ito panaginip.

"I heard that you're settled down that you've....."


Before the perfomance, sa backstage...
Hair and Makeup by Carla Palo, Shari Alejandro, Kim Ronquillo and Lorae "Lovely" Taotjo
NAKS! :D THANK YOU GIRLS
nakikinig ng soundcheck sa tabi ng bato :)
May isang sumigaw ng "Go Princess" Nagulat ako. Nakapunta sila Ate Gem! Nandon rin sila Mama, Papa, Kuya Anjo, Pia, Tito Jerry, Tita Lally at Kate. :) Konting mulat cess. Tingnan mo sila, pilitin mong makita kung sino ang sumisigaw.

"And I said... Goodbye to youuu... Goodbye to everything I thought I knew"

"In your head... In your heaaad... Someone Like You... What's In Your Head?"
With the Double Cheeseburger, Vitto Veloso and Joel Katigbak. :)
Double Cheeseburger and Fries (ako) Combo Meal



with my 4AR4 family
Maraming Salamat Guys! The best kayo... Kayo ang dahilan kung bakit talaga ako sumali :) Salamat Salamat mula sa kaibuturan ng aking puso 

with my supporting Family :) Salamat Mama at Papa sa pagdayo pa sa akin dito sa Maynila, si Pia na nag-absent pa :) Oo, siya yung nagsabi na, "Bakit pagnakanta nakapikit?" :) 
at sa aking mga housemates sa Pandacan :) Tita Lally, Tito Je, Ate Gem at Ms. Kate :) 

Sabi ko talaga, manalo-matalo na to. Sa totoo lang, pakiramdam ko pa rin nanalo ako. Assuming :) Haha. Pero seryoso talaga, iba yung fulfillment na sa wakas, nakapagperform ako sa ganitong klaseng entablado. Hindi lang basta kantahan sa karaoke, hindi lang basta sa salas, nagpapiano at nambubulabog ng kapitbahay. Hindi lang basta intermission number. Sugal to! Ito yung tipong performance na may kailangan kang patunayan. Tipong alam mong bawal magkamali, tipong alam mong malaki ang posibilidad na matalo ka.... Sugal yun... pero nilustay ko pa rin ang sarili ko... Kasi alam kong wala na akong ibang ganito...

Salamat po ulit. ng sobrang dami. Isang malaking check sa bucket list ko ang nagawa ko. Kahit na para sa iba siguro... "ay arki idol lang? buti sana kung pilipinas got talent!" well, sabihin na lang nating, para sa isang gustong maging arkitekto, mahirap makakuha ng panahon para matutukan ka ng ganitong klase ng spotlight. Salamat po! At napakalaking bagay na ito para sa akin.... Lalo na sa mga nagsasabing, "Para sa amin, ikaw pa rin ang tunay na nanalo..."


MARAMING SALAMAT PO..
o sige.. iyak na kuno :)















Photos by: Kaiz Del Mundo, Shine Villamayor, Shari Alejandro
Video by: Gem Pitallar :) 

No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?