Saturday, July 7, 2012

Archaven

Nakokornihan pa ko sa sarili kong magbigay ng mga title sa ganito. ARCHAVEN. Bakit? Kasi Haven ng mga Archi. Nitong huling taon ay pinagtataluhan ng mga Engineer at Architect ang bagong pinapasang batas na nagpapahintulot sa mga inhinyerong makagawa/makapirma ng designs. At ito'y naging malaking tangka sa aming propesyon. Anak ng-- Ano na ang magiging dahilan ng limang taon naming pinag-aralan!? Pero sa kabilang banda, may isang propesyong ding may sama ng loob sa mga arkitekto. Yung mga Interior Designers. Kasama talaga sa sakop ng propesyon namin ang 'Interior Design' ayon sa batas R.A. 9266. Maaari raw. Kalabuan nga naman ang mangyayari kung sakaling hindi kami pumapayag sa mga inhinyerong maagawan kami ng trabaho, tapos kami naman e gumagawa rin ng Interior Design. Apat na taon nilang pag-aaralan tapos kami, aagawan namin sila.

Pero hindi naman talaga aagawan e. Sa lahat ng bagay, bilang Unang tagadisenyo, kailangan talaga may background man lang kami sa mga bagay na naaangkop din sa Design. Kagaya ng Structural at ng Interior Design. Ngayon, meron kaming sandamakmak na load sa Engineering Science at isang Sem ng Interior Design.

Pero hindi rin tungkol dito ang post na ito. Gusto ko lamang ibahagi ang aking unang Interior Design plate. :) Ang hinihingi, isang interior design ng isang unit para sa isang first year na Archi Student. Walang limit sa budget. pero may floor area. Kaya eto....

Para na rin kaming pinagawa ng dream room namin. Lahat ng naaangkop sa lahat ng asta, lahat ng kaburaraan at kapuyatan sa pagiging isang ARKI.

 

An architecture student's room would usually be a sea of different kinds of drawing papers and lots of "hidden treasures" yet to be found. With the stress and countless sleepless nights as an "architect-in the making", the dorm shall be his/her sanctuary and at the same time his/her atelier where one can hone his/her skills and widen his/her creativity as a designer. 


No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?