Wag gumalaw, nakapiring, nandadama.
Kung anumang hanap na makakasama
Pagkat kahit anong kurot sa'yo
ay di kita mapapalayo
Sa pwesto mo
Nakapagkit sa upuang nakakangalay
Pagkat sa sandalang walang kulay
Mas mabilis kang mapapagod
Kung ikaw rin ay natatakot
Hagip ka pa!
Ng pagsikat ng araw
sa tindi ng tinatakas mo kapag gabi
Hagip ka pa!
Kahit pa pilit lumayo't magsintabi
Hagip ka pa!
Hindi ako magmimintis ngayon
Hagip ka pa
Sa akala mong malayu-layong tantsa
Sa mga damit na naiwanan mo ng mantsa
Narito pa rin at nagkukusot
Naghihintay na mapalusot
Dama pa rin at nanunuot sa aking mga kinakabig
Wala ng maiga kundi ang dating ligalig
Sa katas-katas at patak patak ng mga natuyong likido
Hindi ako aalis pagkat Hindi ka kumikibo
Matagal na akong naghihintay
Matagal na ring nabubugnot
Mainit pa rin ang ulo, pagkat ikaw ang paulot!
Ikaw ang nakasaksak, pero ako ang nalungkot!
photo: sunrise at Chilline Tagaytay
No comments:
Post a Comment
so, whatcha say?