Sunday, February 27, 2011

Takas

Alam mo yung imahinasyong sobra sa taas
Ni sinag ng buwan di kinayang pagtaguan
Sa kasakdalan ng katahimikan
Nabuo ang siyang katwiran
Na ang mundo'y may laging pagtatakbuhan
sa tuwing kinakailangan

Alam mo yung tuwing gabi, pagpikit, sumasakay sa pana
Lumilipad sing bilis papunta sa 'wonderland'
pagkat di lahat ng problema
nawawala sa pagbibilang ng tupa
At mas nakakahimbing
kapag ang panaginip ay nawala

Paggigising, ayaw ng pumiglas
Sa mundong ako'y minsa'y nakatakas
Sa mga kaibigang sa imahinasyon nakakausap
At mga salitang doon lang nahahanap
Nakakubli man ng ako'y magising
Sa susunod na gabi na inihihiling
Isang bagong ideya, bagong takasan
bagong huhugutan ng lahat ng kinalaliman
Dagdag pa. Bakit di umaandar ang makina
Sa tanghaling mapansinag at nakakatulog na araw
Pundido, Barado, siyang katas ng kalul'wa
At ngayon lang muli nagkalakas ng loob
Para maibaon ka pa..
Wala ng maipagtatambakan, pagkat matagal ng binasura
Pero sa simpleng mundong tinakasan
Narecycle pa ni lola
Nabuhay ako ng nakalipas, at di ako umasa bukas
Na ubos na naman ang ikinamumukmok
sa mga platong di nahugas..


No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?