Friday, February 11, 2011

Imbakan

Bakit binabaligtad ang mundo
at lahat ng nakangiti, nakababa ang pisngi
ang lahat ng nakasimangot
siyang pinawiwili
ang maupo sa duyan
siyang di uuga
siya tong di makakapaghimbing sa siyesta
sa panandaliang pagsisintabi
ng mamaos na ang mga hikbi
sa di matapos-tapos na pagratrat
sa buhay na nalalabi

Ang panaho'y laging nagkukulang
walang sapat sa pinagsasapatan
Anong mali ngayon?
Mas masarap kapag laging dinadagdagan ng magic sarap..
 Marami akong hiningi
pero di ko nahiling ang aking kinailangan

hindi mapupuno ang basong butas
pagkat kahit anong tindi ng piga
meron pa ring makakatas
sa nagpapakasayang mundo
sa nagpapakaplastik na mga tao
sa mga nagtitimpi
sa mga naglilihim
siyang laging mayroong matatago

Ngayong nakaimbak pa sa dram
ang galong-galong luha
Papaawasin, pupunuin
Babaliktarin na naman
para diligan ang lupa

No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?