patak patak ng hamog
padampi sa mapang-akit na kulay
sa mga nagdudugong dahon ng eskinita
Unti-unti ng napupunit
Nagpapasa-pasang mga galamay
Nag-agaw ng pansin
Sa pagtigil sa Tanauan
Ang panandaliang walang saysay
Sa buhay ng isang mapang-akit na kulay
At ang walang amoy na dahong
nagkukulay bulaklak
Sa gitna ng syudad
Na walang halimuyak
Walang pumipitas
Sa unti-unti ng naaagnas
Sa mapang-akit na kulay sa tabi ng kalsada
Gumuguhit sa mga mata
At walang paki sa landas
Walang nagtatangkang pumitas
Sa dahong mapagpanggap
O sa bulaklak na nagpapakadahon...
No comments:
Post a Comment
so, whatcha say?