Showing posts with label 3ar4. Show all posts
Showing posts with label 3ar4. Show all posts

Sunday, June 24, 2012

Buong Batch Bagsak

Nitong mga huling buwan ay nagkakagulo kami sa resulta ng AUSAT. Karamihan nga naman kasi, hindi naidiscuss, lalo na sa design. Katwiran ng mga prof, hindi daw dapat kami spoonfed, kailangan rin naming maghanap/mag-aral ng iba higit sa kung anumang itinuturo sa amin sa classroom. Pero sa lawak ba naman ng field namin at sa lawak ba naman ng bawat subjects na kinuhanan namin, e hindi na rin namin nameet ang ineexpect nilang kagalingan mula sa amin.

Front Page ng Varsitarian. Architecture Juniors Fails Mock Board Exams. Nakakahiya. Siguro iniisip ng ibang tao, talagang pera-pera lang sa Arki. Pero hindi talaga e. Hindi biro at pera lang ang pinili naming pag-aralan. Nag-aral talaga ako noong Isang Linggo, bago mag-AUSAT. Career to the max na pag-aaral na nakakalumbay. At alam kong hindi lang ako. Alam namin ang bigat ng exam na to at alam naming ang punterya dito e makapasa kami't masabing, "Pwede na kaming maging Architect". Marami akong magagaling na kabatch. Mga henyo ika nga. Pero kahit sila, 4/6 subjects lang ang pinasa. Mahirap ngang bumagsak kasama ng lahat at hindi niyo alam kung sinong sisisihin niyo.

Nag-aral ka naman di ba? Anim na sem kang ginapang ng mga magulang mo sa mahal niyong tuition. Sapat na dahilan para seryosohin mo ang mga bagay na kagaya nito. Pero bakit ganon? Sino ba talagang nagkulang? Ang mga prof na naggawa ng exam? O kaming mga estudyante na hindi man lang mapatunayang may 75% kaming alam sa dapat naming alam. Kahihiyan nga ba ng Kolehiyo dahil sa napakapanget ng image sa isa sa mga Top Architecture Schools ng bansa? Alam namin ang reputasyon. Alam namin ang mga dapat seryosohin. Pero hindi namin alam kung sino ba talagang may kakulangan sa malaking kabagsakan na to. 

Nagkaron kami ng forum, ang Dean namin at karamihan sa mga kabatch. Ano ba raw talagang nangyari? Dismayado ang aming Dean gaya naming lahat. Reklamo namin. Marami po kaming hindi alam sa mga pinaglalagay niyo sa exam namin. Reklamo ng iba. Yung prof po kasi nung ibang seksyon, magaling, yung sa amin, tamad. Pasahan ng reklamo. 

Nagtatalo sa kung ano na namang mangyayari sa ReTake ng buong batch. Kung babaan nila yung passing sa 50%, ang sabi ni dean, "You're in one of the top architecture schools in the country! tapos you only know 50% of what you should know?" May MALAKING punto siya. At alam kong kaya naming patunayang magaling talaga kami, (sabi nga ng group name namin sa FB BESTBATCH2014) Sa kadulu-duluhan, pumayag si Dean, 65%. Mabait na consideration na at game face na ang lahat. Sa July 31, Magkakaharap na ulit kami ng mga poknat na exams at malulunod na naman sa dagat ng reviewers. 

Minsan talaga sa buhay... may mga naiisipan silang matinding sukatan ng talino mo, kung saan may nakasabit na kapalit kung di ka makapasa. Mangangarag ka, pipilitin mong patunayan sa sarili mong mauuna ka sa laban na to. Magbubuwis ka ng kung anumang meron ka. Pero dadating sa puntong, "Teka, Magkakape muna ako". Pag balik sa trabaho, kayod na naman. Liparan ang maraming handouts na naitago sa baul. Tapos, "Teka, ipapahinga ko muna saglit ang mata ko". Isang linggong ritwal. Isang linggong nakakulong sa kwarto at dinadalhan ng magulang ng meryenda at kukuwentuhan ka saglit para ganahan ka ng loob. Pero pag kuha ko nung exam, hindi ko alam kung magsisisi ba ko at nagkape pa ko o nagpahinga ng saglit. Nakakakonsyensya hanggang sa puntong isisi ko na talaga ang mga lumabas na tanong sa exam. 'Tragis! Anong Nangyari? 

Friday, March 23, 2012

AUSAT

Coming Soon on March 30, 2012
Walang makasagot sa mga pinagtatanungan ko kung anong ibig sabihin ng AUSAT. Ang madugong mock-board exam/ battery exam/ review/ pasiklaban ng mga estudyanteng nasa ika-tatlong taon ng pag-aaral ng Arkitektura. Kunwari nauubusan ako ng tagalog. Pero di ko alam kung pano ko maaalala lahat ng pag-aaralan ko. Sa isang Araw, Anim na exam. tig a-anim na pung mga tanong LANG! Tapos tig-iisang oras! SANDAMAKMAK na pagpipilian ng mga tanong tapos katiting lang kukuhanan! (so anong choice kundi aralin lahat.) Sabi nga, di bali ng sobra kaysa sa kulang.

bottomless coffee all the way... Nescafe Brown N Creamy, Astig Kopiko, Timpla ni Mama, Mocca from Germany naks, o kahit barakong kape pa.

hindi pa yan kalahati. (haha. notes yan hindi doodle diary!)
I will post my room's transformation soon. (baka, maya-maya)


MY TOA AND HOA WALL
dahil sa tingin ko mas maalala ko kapag sinusulat ko at nakikita ko lagi at maraming drawing
:) KONTI PA? Teka, unang araw ng career na review e. Bukas ulit.



updated. March 29. THE CALM BEFORE THE STORM
This is it. bukas na ang AUSAT.
Hindi ko alam kung sapat ang ginawa ko, kung maaalala ko ba ang lahat dahil sa sari-sari kong pinagkita sa dingding ko, sa cabinet ko, sa likod ng pintuan (ang daming tape sa paligid)

Life shrinks or expands in proportion to one's courage.  ~Anaïs Nin

GOODLUCK TO ALL OF US :)

Friday, September 16, 2011

SuperBucketComboLauriatFullyLoaded Finals…

Di ako makapagupdate ng blog. I ordered a plate… Pero di ko na ginustong mahirapan ako…


kaya pa naman no te? Disappointed smile Isipin na lang ang 4 na linggong bakasyon… :)

Friday, August 19, 2011

Villa Maria Clara

Icompare daw ang isang babae sa isang Spanish house (Assignment sa LIT). May naiisip ako pero di ko alam kung pano sisimulan. Hindi ko rin alam kung tama ba ang pagkakarinig ko sa instruction. Kaya nagawa ako ng tula. :)

Nakadungaw sa bintanang kapis
Ang dalagang nakatanaw sa kalsada
Nakatakip ang panyulitang malinis
sa Isang walang taong sala

Nakakasilaw sa malayo siyang nakatanaw
Kay hirap bastang pasukin, ang pinaka-puso
kung ang susungkit sa ligaw, hinga ay hilaw
Ay di mapapadungaw muli ang nasa pasamano

Bagkus isang sulyap, sa nagmatigas na bahay
Maalwan man sa loob, sa sagad-bukas na bintana
Di kayang bastang babain ang entrada principal
At hayaang mapagsawaan ang kanyang hiwaga

Ang babaeng bumubungisngis sa likod ng pamaypay
Wari isang batong bahay na binubungi ang mga anay
Kay hirap himasukin, misteryoso at disente
Na ang lahat ng mapaparaan, habol-tingin at torete...

Thursday, July 14, 2011

Holdap!

IMG_1097IMG_1097

Nang minsang biniro ako ng holdap!! AHAHA..