Friday, March 23, 2012

AUSAT

Coming Soon on March 30, 2012
Walang makasagot sa mga pinagtatanungan ko kung anong ibig sabihin ng AUSAT. Ang madugong mock-board exam/ battery exam/ review/ pasiklaban ng mga estudyanteng nasa ika-tatlong taon ng pag-aaral ng Arkitektura. Kunwari nauubusan ako ng tagalog. Pero di ko alam kung pano ko maaalala lahat ng pag-aaralan ko. Sa isang Araw, Anim na exam. tig a-anim na pung mga tanong LANG! Tapos tig-iisang oras! SANDAMAKMAK na pagpipilian ng mga tanong tapos katiting lang kukuhanan! (so anong choice kundi aralin lahat.) Sabi nga, di bali ng sobra kaysa sa kulang.

bottomless coffee all the way... Nescafe Brown N Creamy, Astig Kopiko, Timpla ni Mama, Mocca from Germany naks, o kahit barakong kape pa.

hindi pa yan kalahati. (haha. notes yan hindi doodle diary!)
I will post my room's transformation soon. (baka, maya-maya)


MY TOA AND HOA WALL
dahil sa tingin ko mas maalala ko kapag sinusulat ko at nakikita ko lagi at maraming drawing
:) KONTI PA? Teka, unang araw ng career na review e. Bukas ulit.



updated. March 29. THE CALM BEFORE THE STORM
This is it. bukas na ang AUSAT.
Hindi ko alam kung sapat ang ginawa ko, kung maaalala ko ba ang lahat dahil sa sari-sari kong pinagkita sa dingding ko, sa cabinet ko, sa likod ng pintuan (ang daming tape sa paligid)

Life shrinks or expands in proportion to one's courage.  ~Anaïs Nin

GOODLUCK TO ALL OF US :)

No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?