Tuesday, February 14, 2012

Ang Eksenang Kahel

Sa kulay kamatis na nanggigil na langit
Di malaman kung naghahalong saya at galit
Sa nangangamulang parteng ito ng daigdig
At aliw lahat sa romansa
ng lumulubog na araw
at ang laro ng mga anino
sa lahat ng pelikula
may dalawang magkaakap, naghahabulang titig
ang kulay kahel na pag-ibig

Nagbubumilis na araw ang lumilipas sa akin
itong parte ng taon na wala akong ambag
sa nangangamulang parteng ito ng daigdig
kalahati ko ay naiinggit
sa lumulubog na araw
at ang hatak niyang tanaw
sa makirot-kirot na pagbubugso nagbubumulong na sigaw

Nakasilong sa bundok at di tanaw ang pampang
at ang araw nilipas nagpapakatimang
Dalaw ang panaginip, hanap ang pangarap
kahit minsan lang madait ang kamay ko sa alapaap

Mapaglaro ang mga sinag, at ang init ng dapithapon
di maging isa ang silahis ng tumatama sa aking liwanag
maigpit ang kamay, nakapikit at nakahimbing
humihinga pa’t humihithit ng kaunting hangin
buhay pa ang gabi, kahit tapos na ang araw
Ibalik mo na ang sa akin mo ninakaw <3

HAPPY VALENTINES DAY Smile

No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?