Friday, August 19, 2011

Villa Maria Clara

Icompare daw ang isang babae sa isang Spanish house (Assignment sa LIT). May naiisip ako pero di ko alam kung pano sisimulan. Hindi ko rin alam kung tama ba ang pagkakarinig ko sa instruction. Kaya nagawa ako ng tula. :)

Nakadungaw sa bintanang kapis
Ang dalagang nakatanaw sa kalsada
Nakatakip ang panyulitang malinis
sa Isang walang taong sala

Nakakasilaw sa malayo siyang nakatanaw
Kay hirap bastang pasukin, ang pinaka-puso
kung ang susungkit sa ligaw, hinga ay hilaw
Ay di mapapadungaw muli ang nasa pasamano

Bagkus isang sulyap, sa nagmatigas na bahay
Maalwan man sa loob, sa sagad-bukas na bintana
Di kayang bastang babain ang entrada principal
At hayaang mapagsawaan ang kanyang hiwaga

Ang babaeng bumubungisngis sa likod ng pamaypay
Wari isang batong bahay na binubungi ang mga anay
Kay hirap himasukin, misteryoso at disente
Na ang lahat ng mapaparaan, habol-tingin at torete...

No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?