Tuesday, May 15, 2012

Limang Araw ni Pintor Prinsesa - KKLA Mural Painting

Matagal na akong "nakontrata" ni Ate Bambi para pinturahan ang kanyang school. At agad naman akong hindi tumanggi. At sa wakas, ngayong bakasyon, nagkaroon ako ng isang malupit at bigtime na project. Na di hamak namang alam kong eenjoyin kong gawin. Ang mural ng school nila Pia. Ang Kudos Kiddos Learning Academy, ang pinagmamalaking preschool ng Ambulong.

LIMANG ARAW SA ADVENTURES NG PINTOR PRINSESA


DAY 1 - SUNDAY

MAY 6, 2012
Kakabalik ko pa lang nito galing Bicol at medyo puyat pa. (Alas tres na ng umaga umuwi, galing sa bertdayan) Nagreunion kasi ulit kaming magpipinsan at medyo napasarap ang kwentuhan. Akala ko talaga magigising ako ng maaga. Pero sa di naman masyadong masamang pagkakataon, ay hapon na ako nakapunta sa first day ko. :)
Nilapis ko na ang mga drawing. Rough Sketches kuno at alam ko namang hindi ko lahat masusunod ito. At nandito si Ate Bambi para magbigay ng idea sa kung anong gusto niyang makita sa mural. Brainstorming Time!

DAY 2 - MONDAY

MAY 7, 2012
At dahil sa sobrang excitement at pagpasok lahat ng kumukulay na bagay sa utak ko. Alas nuebe ng umaga, lunes na lunes, ay naroon na ako sa Kudos Kiddos para simulan ng magpintura. Habang si Ate Bambi ay nagtututorial sa isang classroom, naroon ako sa labas at nagsisimula ng maglandi ng mga pintura, habang pinapanood ng mga parents na naghihintay sa kanilang Kiddos.
Kaunting patikim ng mga Itim muna para makita ko na talaga ang itsura ng dinodrawing ko. Ang mga kids na nakadrawing dyan ay si Sitti, si Pia, si Norby at si LJ. At nandyan si Sitti, ang anak ni Ate Bambi at ang aking makulit na assistant at entertainer!, (Get Well Soon Sitti) na nagagawa ng chalk art.

DAY 2 FINISHED PRODUCT! Photo from Kuya Vox :)

DAY 3 - TUESDAY

May 8, 2012
Kahit medyo hapon na rin nakapunta, sinimulan ko na agad ang Taal Lake Painting. At dahil medyo naka-okupa na ng maraming space, pakiramdam ko matatapos na ako. Nakaramdam na ako ng adrenaline rush at inspirational music habang nagagawa ako. (HAHA) Puro pintura na ang headset ko at ang cellphone ko. At di hamak na kailangan ko na ng manicure at pedicure. :)
Merienda Time with mareng Sitti 
DAY 3 FINISHED PRODUCT!
Concept ng Filipino Fiesta ang nasa isip ko dahil doon sa Arko. Nilagyan ko rin to ng Superman, gaya ng mural ko sa kwarto ko. Nandyan na ang Taal Lake, kumpleto with Taal Volcano, Binintiang Malaki, Mt. Maculot, ang Napayong Island at ang "Siopao Island", kasama ng mga Kiddos. At dahil mataas na ang iba ay di ko muna ito pinagkaeffortan masyado dahil medyo gabi na. 

Dahil medyo sobrang napuno ko ang pader ngayon at nasobrahan rin ata sa pagtataas baba ng mga galamay ay pinanaktan na ako ng biyas at nakapag-absent tuloy ng isang araw. :( Kaya Wednesday, gaya ng coding ng sasakyan, nag-absent ako. 

DAY 4 - THURSDAY

May 10, 2012
Todo kayod na ulit para makabawi sa isang araw ko ring nasayang. Pagdating ko pa lang ay niratsadahan ko na ang sunod na part ng pader. Itong mukhang lookout daw sa Taal Lake. Hindi ko pa ito nadodrawingan ng lapis kaya't nagdrawing pa ulit ako, ng dalawa namang lalaki, na nagliligtas ng kalikasan. Dinrowing ko na rin ako, sa aking bahay kubo. Sa ilalim ng namumulang pisnging araw.



Habang wala pang tutor si ate Bambi ay tinutulungan niya rin akong magpaint :) At kasabay pa ang ilang gabi ng LSS na "Starships... are meant to flaaaahaaay..." Nandyan rin si Sitti na walang tigil ang kanta mula mga tagalog love songs hanggang sa mga rap ni Nicki Minaj (with matching facial expressions)
First strike ng Patong-patong na upuan (Level 1) and Day 4, FINISHED PRODUCT!
Balak ko na talagang umabsent ng Biyernes dahil gagala na dapat kaming magpipinsan pero sa kasamaang palad ay medyo pagod pa ang mga galing Hongkong (na sila Kate at Maris), kaya't pass muna. Dahil sa tingin ko naman ay medyo marami na rin naman akong naggawa at masakit talaga sa katawan yung akyat baba ng mataas na patong-patong na upuan, tapos up-down-up-down ng paint brush, rest day muna ang Friday.

DAY 5 - SATURDAY

May 12, 2012
Nabalitaan kong naOspital si Sitti. :( Pero tuloy pa rin ang trabaho ko. Inupakan ko na kaagad ang itaas para sa aking outer space. Napagdesisyunan ko ng tapusin itong lahat ng ito ngayon! Sa pinagsama-samang excitement, adrenaline rush at sa deadline na sinabi ko para sa sarili ko. Oras na para upakan tong pader na to. 
Ang Audience ko ngayong araw na to.
Si BABY NIKKI!
Dahil wala rin si Ate Bambi, at sinamahan si Sitti sa Ospital. Solo flight ulit ako sa ilalim ng maingay na ulan ng tanghali. May pagkamaputik at may mga natuyo ng pintura. Nagpaparamdam rin ang ilan sa pinakamadidilim na nilalang sa mundo, ang mga Tenor na palaka sa may fisheries. Na nagkakantahan pang wagas. :))

Walang mga parents ngayong nanonood dahil Sabado at walang tutor.
Pinagpatong-patong na upuan Level 10. XD photo from Kuya Volks ulit
 Buti na lang, hindi "afraid of heights". Pakiramdam ko lagi, Ninja ako pag-aakyat ng upuan, at gymnast naman pag baba. Isang kulay akyat, isang kulay baba. Naliligo na ulit ako sa pintura at iba-ibang kulay na rin ang manicure ko. haha






Dumating na rin sila Ate Bambi, kasama ang isang bilaong pansit para sa merienda. Naconfine na raw si Sitti. :( Hanggang gabi, tuloy-tuloy pa rin ang aking energy dahil sa paninindigan ko sa aking desisyon na tapusin na ito ngayon din! Kaunting tiyaga na lang. Special Guests sa Space: Si Darth Vader at isang Minion.  ROLLERS TIME na, para sa ikadadali ng buhay. Si Kuya Jojo at si Ate Bambi, tumulong na rin sa pagabot ng mga dulong ni hindi ko man lang makuha sa tiyad. 
ISANG MALUPIT NA SIGNATURE
Ang pinsan kong may-ari ng school- este.. DIRECTRESS, ATE BAMBI at ang kanyang asawa, si KUYA JOJO posing for the Finished Product. :)
TAPOS. Isang workout na hindi man lang ako nabagot. Sa halip, naiinip ako dahil gusto ko ng matapos!! Natutuwa ako na kahit unang beses kong makapuno ng ganito kalaking pader, ay para bang bumabalik sa kin lahat ng ginawa kong painting (na echos lang). Naalala ko yung mga oras na gumagawa kami ng bulletin board nung highschool. Araw-araw umuuwi akong puro pintura ang tuhod ng jogging pants ko, o kaya ang palda ko, di na nawalan ng pintura. :))


TAPUUUS!! Ang Fail ng pagkakaedit ko para mapakita ko yung buong painting. SORRY!
Isa na namang productive na linggo. At salamat kay Ate Bambi and the Mostajo Family. (NAKS!) Sa isang linggong pagkupkop sa akin. Isa ito sa pinakamahalagang plate na naggawa ko! Sana matuwa ang mga bata at sana mas lalo pang dumami ang mageenroll sa kudos kiddos learning academy. Goodluck at Maraming Salamat ulit Ate Bambi! Sa susunod na project na ulit! :)

FACEBOOK FULL ALBUM


KUDOS KIDDOS LEARNING ACADEMY FACEBOOK PAGE

Isang tableta na Alaxan :)
Isang bote ng Antonov XD
pwede na magpamanicure,

No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?