Sunday, May 20, 2012

Kung Paano Mangarap

Sabi nila, "Gusto ko in 5 years, nakapunta na ako ng ibang bansa. May bigtime akong trabaho at naglilimpak limpak ang kayamanan ko.". Ang hirap pangunahan ng pangarap mo, lalo na kung nagbibigay ka ng deadline sa sarili mo. Pagsikapan mo ang pangarap mo pero huwag mong pilitin. Huwag mong alalahanin agad ang alam mo namang hindi sigurado.

"Yesterday is history, Tomorrow is a mystery but today is a gift, that's why it's called present." Huwag ka masyadong manatili sa nakalipas, hindi ka makakakilos ngayon. Huwag ka masyadong mag-alala sa bukas, dahil uubusin ka ng pag-aalala mo at di mo maeenjoy ang kasalukuyan. Pero pano nga ba mabuhay sa kung anong meron ka ngayon? Ngumiti ka. Isipin mo na lang buhay ka pa. At maswerte kang may ginagawang kung anuman, kahit katamaran. Kaysa sa tuluyan kang hugutan ng hininga.

Hay. Isa na namang senti na pinagdikit-dikit na mga salita. Marami akong pangarap pero hindi ko sinasabing, "Sa loob ng ganitong panahon". Bahala na. Gusto ko ng mga biglaang pagkakataon. Gusto ko ng mga bagay na hindi ang inaakala ko noon. Gusto kong masindak at masabi kong, "Hindi ko ito naisip na makakamit ko ito ngayon".

Sabihin nang ugaling, "bahala na", pero sa tingin ko lang ay may mga pangarap akong ayokong bigyan ng palugit ang sarili ko. Ayokong mapressure ang sarili ko sa bagay na mahal ko. :), gaya ng sabi ni Rancho sa 3 idiots.

Ang labo rin nga e. Gusto kong pagsikapan pero gusto ko ng gulat. May pangarap ako pero hindi ko binibigyan ang sarili ko ng tiyak na gusto sa buhay. Ang hina kong mangarap, dahil sabi nila ilusyon lang umasa. at sa huli, magugulat ka sa buhay. Dahil baka sa puntong naroon ka na sa taas, sasabihin mo lang na, ganito lang pala. Tapos nito, ano na?




No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?