Showing posts with label summer. Show all posts
Showing posts with label summer. Show all posts

Tuesday, May 15, 2012

Limang Araw ni Pintor Prinsesa - KKLA Mural Painting

Matagal na akong "nakontrata" ni Ate Bambi para pinturahan ang kanyang school. At agad naman akong hindi tumanggi. At sa wakas, ngayong bakasyon, nagkaroon ako ng isang malupit at bigtime na project. Na di hamak namang alam kong eenjoyin kong gawin. Ang mural ng school nila Pia. Ang Kudos Kiddos Learning Academy, ang pinagmamalaking preschool ng Ambulong.

LIMANG ARAW SA ADVENTURES NG PINTOR PRINSESA


DAY 1 - SUNDAY

MAY 6, 2012
Kakabalik ko pa lang nito galing Bicol at medyo puyat pa. (Alas tres na ng umaga umuwi, galing sa bertdayan) Nagreunion kasi ulit kaming magpipinsan at medyo napasarap ang kwentuhan. Akala ko talaga magigising ako ng maaga. Pero sa di naman masyadong masamang pagkakataon, ay hapon na ako nakapunta sa first day ko. :)
Nilapis ko na ang mga drawing. Rough Sketches kuno at alam ko namang hindi ko lahat masusunod ito. At nandito si Ate Bambi para magbigay ng idea sa kung anong gusto niyang makita sa mural. Brainstorming Time!

DAY 2 - MONDAY

MAY 7, 2012
At dahil sa sobrang excitement at pagpasok lahat ng kumukulay na bagay sa utak ko. Alas nuebe ng umaga, lunes na lunes, ay naroon na ako sa Kudos Kiddos para simulan ng magpintura. Habang si Ate Bambi ay nagtututorial sa isang classroom, naroon ako sa labas at nagsisimula ng maglandi ng mga pintura, habang pinapanood ng mga parents na naghihintay sa kanilang Kiddos.
Kaunting patikim ng mga Itim muna para makita ko na talaga ang itsura ng dinodrawing ko. Ang mga kids na nakadrawing dyan ay si Sitti, si Pia, si Norby at si LJ. At nandyan si Sitti, ang anak ni Ate Bambi at ang aking makulit na assistant at entertainer!, (Get Well Soon Sitti) na nagagawa ng chalk art.

DAY 2 FINISHED PRODUCT! Photo from Kuya Vox :)

DAY 3 - TUESDAY

May 8, 2012
Kahit medyo hapon na rin nakapunta, sinimulan ko na agad ang Taal Lake Painting. At dahil medyo naka-okupa na ng maraming space, pakiramdam ko matatapos na ako. Nakaramdam na ako ng adrenaline rush at inspirational music habang nagagawa ako. (HAHA) Puro pintura na ang headset ko at ang cellphone ko. At di hamak na kailangan ko na ng manicure at pedicure. :)
Merienda Time with mareng Sitti 
DAY 3 FINISHED PRODUCT!
Concept ng Filipino Fiesta ang nasa isip ko dahil doon sa Arko. Nilagyan ko rin to ng Superman, gaya ng mural ko sa kwarto ko. Nandyan na ang Taal Lake, kumpleto with Taal Volcano, Binintiang Malaki, Mt. Maculot, ang Napayong Island at ang "Siopao Island", kasama ng mga Kiddos. At dahil mataas na ang iba ay di ko muna ito pinagkaeffortan masyado dahil medyo gabi na. 

Dahil medyo sobrang napuno ko ang pader ngayon at nasobrahan rin ata sa pagtataas baba ng mga galamay ay pinanaktan na ako ng biyas at nakapag-absent tuloy ng isang araw. :( Kaya Wednesday, gaya ng coding ng sasakyan, nag-absent ako. 

DAY 4 - THURSDAY

May 10, 2012
Todo kayod na ulit para makabawi sa isang araw ko ring nasayang. Pagdating ko pa lang ay niratsadahan ko na ang sunod na part ng pader. Itong mukhang lookout daw sa Taal Lake. Hindi ko pa ito nadodrawingan ng lapis kaya't nagdrawing pa ulit ako, ng dalawa namang lalaki, na nagliligtas ng kalikasan. Dinrowing ko na rin ako, sa aking bahay kubo. Sa ilalim ng namumulang pisnging araw.



Habang wala pang tutor si ate Bambi ay tinutulungan niya rin akong magpaint :) At kasabay pa ang ilang gabi ng LSS na "Starships... are meant to flaaaahaaay..." Nandyan rin si Sitti na walang tigil ang kanta mula mga tagalog love songs hanggang sa mga rap ni Nicki Minaj (with matching facial expressions)
First strike ng Patong-patong na upuan (Level 1) and Day 4, FINISHED PRODUCT!
Balak ko na talagang umabsent ng Biyernes dahil gagala na dapat kaming magpipinsan pero sa kasamaang palad ay medyo pagod pa ang mga galing Hongkong (na sila Kate at Maris), kaya't pass muna. Dahil sa tingin ko naman ay medyo marami na rin naman akong naggawa at masakit talaga sa katawan yung akyat baba ng mataas na patong-patong na upuan, tapos up-down-up-down ng paint brush, rest day muna ang Friday.

DAY 5 - SATURDAY

May 12, 2012
Nabalitaan kong naOspital si Sitti. :( Pero tuloy pa rin ang trabaho ko. Inupakan ko na kaagad ang itaas para sa aking outer space. Napagdesisyunan ko ng tapusin itong lahat ng ito ngayon! Sa pinagsama-samang excitement, adrenaline rush at sa deadline na sinabi ko para sa sarili ko. Oras na para upakan tong pader na to. 
Ang Audience ko ngayong araw na to.
Si BABY NIKKI!
Dahil wala rin si Ate Bambi, at sinamahan si Sitti sa Ospital. Solo flight ulit ako sa ilalim ng maingay na ulan ng tanghali. May pagkamaputik at may mga natuyo ng pintura. Nagpaparamdam rin ang ilan sa pinakamadidilim na nilalang sa mundo, ang mga Tenor na palaka sa may fisheries. Na nagkakantahan pang wagas. :))

Walang mga parents ngayong nanonood dahil Sabado at walang tutor.
Pinagpatong-patong na upuan Level 10. XD photo from Kuya Volks ulit
 Buti na lang, hindi "afraid of heights". Pakiramdam ko lagi, Ninja ako pag-aakyat ng upuan, at gymnast naman pag baba. Isang kulay akyat, isang kulay baba. Naliligo na ulit ako sa pintura at iba-ibang kulay na rin ang manicure ko. haha






Dumating na rin sila Ate Bambi, kasama ang isang bilaong pansit para sa merienda. Naconfine na raw si Sitti. :( Hanggang gabi, tuloy-tuloy pa rin ang aking energy dahil sa paninindigan ko sa aking desisyon na tapusin na ito ngayon din! Kaunting tiyaga na lang. Special Guests sa Space: Si Darth Vader at isang Minion.  ROLLERS TIME na, para sa ikadadali ng buhay. Si Kuya Jojo at si Ate Bambi, tumulong na rin sa pagabot ng mga dulong ni hindi ko man lang makuha sa tiyad. 
ISANG MALUPIT NA SIGNATURE
Ang pinsan kong may-ari ng school- este.. DIRECTRESS, ATE BAMBI at ang kanyang asawa, si KUYA JOJO posing for the Finished Product. :)
TAPOS. Isang workout na hindi man lang ako nabagot. Sa halip, naiinip ako dahil gusto ko ng matapos!! Natutuwa ako na kahit unang beses kong makapuno ng ganito kalaking pader, ay para bang bumabalik sa kin lahat ng ginawa kong painting (na echos lang). Naalala ko yung mga oras na gumagawa kami ng bulletin board nung highschool. Araw-araw umuuwi akong puro pintura ang tuhod ng jogging pants ko, o kaya ang palda ko, di na nawalan ng pintura. :))


TAPUUUS!! Ang Fail ng pagkakaedit ko para mapakita ko yung buong painting. SORRY!
Isa na namang productive na linggo. At salamat kay Ate Bambi and the Mostajo Family. (NAKS!) Sa isang linggong pagkupkop sa akin. Isa ito sa pinakamahalagang plate na naggawa ko! Sana matuwa ang mga bata at sana mas lalo pang dumami ang mageenroll sa kudos kiddos learning academy. Goodluck at Maraming Salamat ulit Ate Bambi! Sa susunod na project na ulit! :)

FACEBOOK FULL ALBUM


KUDOS KIDDOS LEARNING ACADEMY FACEBOOK PAGE

Isang tableta na Alaxan :)
Isang bote ng Antonov XD
pwede na magpamanicure,

Thursday, April 12, 2012

My Skyline


My first mural in my Ambulong room. Roughly 1:1000 scale (NAKS!)

From Left: Colosseum, Rome, Italy, CN Tower Ontario, Canada, St. Peter’s Basilica Vatican City, Gateway Arch, Missouri, USA , Sydney Opera House, Sydney Australia, Shanghai Finance Tower, Shanghai, China (square pala dapat yung taas), Great Pyramids of Giza, Egypt, Burj Al Arab, Dubai, UAE, Taipei 101, Taipei, Taiwan, Taj Mahal, Agra, India, Petronas Tower, Kuala Lumpur, Malaysia, Chocolate Hills (naligaw na Natural Wonder), Bohol, Philippines, Chrysler Building, Statue of Liberty, New York, USA & ; Eiffel Tower, Paris France. + Superman, Rocketship, Parachute Guy, Birds, Airplane, and MOOON. 
At syempre, di makakalimutan ni Pia na magpapicture :D

Tuesday, May 17, 2011

Tuesday, May 10, 2011

Santol

IMG_0029
Piga sa pagitan, maasim, maalat,
at hindi malunok
Siyang sa aki’y sinusuntok
Hinog na Prutas na bato
Na aking tinaga
Aking sinungaba
Nalaglag sa Langit


IMG_0050

(I unintentionally created a heart when I reflected the shadow!) :D

Banayad

IMG_2681

Dibuho ka, nakabaon na sa king mata
Nakasingit sa bawat sira ng makina
Sa bawat kisapmatang, may nakalingatan
At sa mga gising na alimpungatan
Malayo na ang siyang naging pagitan

Bitiw na’t matagal na ring di sumasalpok
Sa pusod ng banging walang tubig na masalok
At banayad na naghihintay
Kahit nahimatay na sa ngalay
Sagad na ang tuhod sa kakitiran
At walang makibuan

Sa gitna ng langit at lupa
LUTANG…
Sa kalaputan ng sabaw na kaisipan
At hirap pa ring mang-iwan
Sa matagal ng pinag-iisipan

Namumuhay sa mag-isang pulo
Sasakay na ba ako ng jeep
O hihintayin ang iyong sundo?

Mama’s Day

Wow. Meron palang ganito dito! Cooool!

Our Mother’s Day Celebration @Tagaytay.

We went to Mass and had dinner a Giligans!

File0028File0105File0107IMG_2652IMG_2660IMG_2661IMG_2679

We had a great time! At sana si MAMA rin!

WE LOVE YOU MAMA!

HAPPY MOTHER’S DAY!

Thursday, May 5, 2011

Londri

Ngatal na sa kakakusot
Babad ang kamay sa bula, xonrox at tubig
Lahat ng mantsang di natutunaw
Ay di pa rin kaya ng isang kusutan
Pagal, pagkat ang pawis ay nasasabunan
Naliligo sa maruruming labahan
Sa loob ng washing machine
At dryer na nang-iin-in
Pinaiikot-ikot, pinababayaang magusot
Pinaglalaruan ng walang pagod
Mga isang bihis na pang-ilalim
at isang linggong pantalon
Naghalu-halong nag memerry-go-round
Nagliliyuhan maghapon

Kuba na, si Ate Myrna
Ilang beses ng kinula, di pa rin talab
Pula na ang palad
Nangangatal na sa asido
Mga mantsang kelangang dibdibin
Para agad ng mapatuyo

Hindi pa man nakakatagal sa sampayan
Nakahanger pa't naka-sipit
May hanging pa ring bubuga at magdudumi
Sa mga nagmamalinis pilit...

Monday, April 25, 2011

Sunday, April 24, 2011

Gubat

DI KA MASILAY
Sa matatandang puno na ni sariling ugat di na nakikita
Na di na masinagan kung anong nakakapa
Sa dilim Sa ilalim
 Na patimos-timos ang sinag ng buwan
Gumagapang sa mga lumot at malalaking ugat
Sa mga umaakyat nangingilabot na sanga
Kapilas ng mga tuyong dayong nangalaglagan
Na hanggang ngayo'y di pa nararating ang kailaliman
Naghahalong putik
Na ni patak ng ulan di na napag-isa
Bahagyang makakadaloy sa dami ng sumasalong dahon
Pinagkaitang kalupaan
Sa kaharian ng matatandang puno
Sa masukal, madilim at maalingawngaw na kagubatan

At naroon ako, nakaupo sa isang batong buhay
Nakasilay sa isang silahis ng buwan
Na tinatapat sa aking palad

Matagal ng naliligaw
At boses pagaw na kakasigaw
Galos na ang tuhod, mga galamay at hita
Sa dilim na 'to, Kailan ka pa makikita?


pen and ink sketch on my sketch pad. :)

Wednesday, April 13, 2011

Ang Bulkang Taal at Binintiang Malaki (dahil sasabog na ang Bulkan)

Sasabog na raw ang bulkang taal. Mejo nakakatakot pero parang di naman nag-eeskandalo ang mga tao dito sa amin. Petiks pa. Pero nitong mga huling araw ay may kumakalat ng balita tungkol sa evacuation. Kapag narinig na namin ang kampana ng tuklong ng Maugat at ng Ambulong, senyales na raw ito ng pagsabog ng bulkan (at pagpanic ng mga tao).

TANAW ANG BULKAN (photo taken by SC on my cam. )

Kahapon lang, habang kasama ko si SC (isa sa aking BFF :D ) sa pag-reresort hunting sa Talisay, nakita namin si George Carino. Na nagrereport umano tungkol sa pagdami ng cancellations ng mga bakasyunista dahil sa alburuto ng bulkan. Natakot pa sila. E kami tong nasa baybayin mismong ng lawa, kami pa tong nag-iinquire. Nang maabangan namin ang report niya sa TV Patrol, nasabi rin nga sa interview na wala namang dapat ikabahala ang mga turista. At sabi rin ni Papa, manonood lang raw kami ng ash fall. Pero para sa kasiguraduhan na rin ang pagsama sa kung saka-sakaling evacuation. Level 2 pa rin ang Alert Level. At pag level 3 na, sign na raw yun ng evacuation.

Hindi ko maiwasan, pero madalas na kasi akong napagkukwentuhan ni Papa tungkol sa kung anong meron noong panahon nila. Naikwento niya ang nasapit nila nung sumabog ang bulkan, noon 1965. Alas dos raw ng madaling araw sumabog ang bulkan. Parang kumukulog ng malakas, at sunod sunod na "KABOOM!". Di man tanaw ang mismong bulkan (kasi halos ka-level lang ng lupa sa amin), nakikita raw nila ang matataas na usok ng pagsabog sa maraming direksyon. Nanonood lang raw sila na parang nasa IMAX. :)) Pero di nagtagal ay umalis muna sila at bumalik makalipas ang isang linggo. Para walisin ang mga abo. Makatapos raw non ay may mga nililipad pa rin ng hangin na sulfur na hindi naman naging mapeligro.

Medyo malayo kami sa mismong pulo. Nasa 11 kilometro kami mula sa mismong crater na pulo. At nung huling pagsabog raw, marami ang namatay sa bayan ng Agoncillo. Doon daw ay halos matabunan ang isang puno ng niyog.Yung palapa na lang ang nakikita.

Naghanap-hanap ako ng mababasa tungkol sa kasaysayan ng Taal. Gusto ko sanang makahanap ng kopya ng Mysteries of Taal ni Thomas Hargrove.

Pero puro mga nauukol lang ang nakikita ko. Gaya rin ng kwento ng matatanda, dati raw ay puro ilog ang lawa. Nangangabayo lang sila pag pupunta ng Taal. At dahil sa pagputok nga ng bulkan at sa Basin structure ng paligid (Lahat ay palusong) ay nabuo ang lawa na kung tawagin ay Laeuna de Bombon. Kadugtong ito ng dagat. kahit naman hanggang ngayon. Pag pumupunta kami ng Taal ngayon, nakikita ko pa rin ang Pansipit River. Ang sabi ni Papa, malaki raw ito noon. Ito maaari ang nagpapaliwanag kung bakit may mga pang-dagat lang na mga nilalang sa loob ng lawa. Ang sabi ay may mga pating pa nga sa loob ng lawa. At may sinasabi pa si papa, na parang mga ahas na stripes na sa dagat lang nakikita. Di nagkalaon lang nawala ang tubig-alat ng Taal lake.

May mga lumubog mga simbahan sa paligid ng lawa. Ang sabi, sa paligid ng lawa nakatayo noon ang mga simbahan at ang mga bayan. Dito sa ngayong Banadero, makikita pa ang "ruins" ng lumang tanauan. Nakita ko na rin yun. Pero di ko nakita yung mismong ulo ng lumubog na simbahan. Pero nandon daw yun. May arko rin raw na parang "Welcome to Talisay" na lumubog sa loob ng lawa. Ang Lipa ay dating narito rin sa may malapit sa Tanauan bago pa ito nailipat doon sa mataas na Lipa. May tinatawag ring Bayan ng Sala. na ngayon ay yung bagong Tanauan. Binuhay na lang ang pangalan ng Sala sa isang barangay dito sa may Talaga.

ang laging akalang Taal Volcano o ang BININTIANG MALAKI


Kapuluan rin ang mga crater sa Taal Lake. Yung laging pinipicturan na magandang bulkan. Hindi yun ang totoong sumasabog (well, part pa rin) Pero yung malaking bundok. o ang tinatawag na totoong Taal Volcano Na may Lake din sa loob. at sa loob ng lake na yun ay may isang batong maliit na isla o yung VULCAN POINT. Maraming crater ang Taal Volcano. Nasa 47 na cones at craters. Meron pa raw tinatawag na Binintiang Munti. haha. Bale Lima yung mismong pinagsasabugan na crater yun Binintiang Malaki, Binintiang Munti, tapos meron pang Pira-piraso, Calauit and Mt. Tabaro Eruption Site.

Etong isla raw ng Binintiang Malaki. Wala yan dati. Isang gabi lang yun na-form after ng isang eruption. So biruin mo, pag gising ng mga tao, may nakita na agad sila, "Aba'y may bagong pulo!" Nabasa ko rin ang tungkol sa ALAMAT NG BULKANG TAAL. na tungkol kay Prinsesa Taalita at ang kanyang asawa na nalunod sa Lawa ng Bombon. (search niyo)

makikita sa picture na may malaking bulkan talaga sa gitna Taal Volcano tapos may bato na island. :D Tapos hiwalay yung binintiang malaki (yung akala na Taal Volcano)
Google Earth Picture from http://1day-at-a-time.blogspot.com
O yan, sa susunod dapat alam na ng mga tao kung alin yung kukuhanang picture pag sinabing Bulkang Taal.

Ang bunganga ng bulkan. Makikita yung VULCAN POINT. :)
Nakakatakot pero ang Bulkang Taal yung pinakamaliit na bulkan sa pilipinas. Tapos siya pang katangi-tanging nakasali sa DECADE VOLCANOES sa Pilipinas. Labing Anim (16) na bulkan sa buong mundo na mariing pinag-aaralan at pinagtutuunan ng pansin dahil sa napaka-deadly raw. at napakadelikado. Ito ang sinasabi ng PHIVOLCS na dahilan nila.
  • frequent activity
  • greatest number of elements at risk,
  • high population density of the region
  • complicated and little understood volcanology
  • excellent accessibility.
naks. parang enumeration items lang sa test. Pero totoo nga ngaman. ang daming taong nakapaligid sa lawa. Maraming bayan, syudad at may mga pulo pa. kagaya nung mukhang siopao at mukhang sapatos ni Mcdo (Napayong Island)

Gusto ko talagang mabasa yung  Mysteries of Taal. Para kasing andaming nakatago na dark history sa loob ng lawa. Andaming nangyari at andami pang mangyayari. Ang sabi, ang buong lawa raw ay parang crater na rin. Kasi napapaligiran nga ng matataas ng bulubundukin. Gaya ng sabi ko kanina. Basin yung structure. Anjan ang Tagaytay, yung Lipa, Mataas rin (Halos pantay na ng Tagaytay) Tapos mapapansin ring palusong lahat ang daan papunta sa lawa. Di ko rin alam. Baka masyado lang akong maraming naiisip.

Lolo from Batangas City. Taal Volcano View from Talisay

Bawal na raw mamangka/mangisda. Pinaalis na rin yung mga nakatira mismo sa pulo. At bawal na maghiking doon. Di ko napanood nung nagspeech ang ninang kong si Vilma Santos. (haha. joke lang po)  Pero sabi nga dun sa report ni George Carino, ang mga tao talaga, parang walang inaaalala. Ni ako nga, di pa rin nageempake. Pero sana naman, walang masamang mangyari at magwawalis lang kami ng abo.

GOD BLESS BATANGAS :)

sources:
  1. http://www.helium.com/items/2135012-scientists-say-philippines-taal-volcano-could-erupt-soon
  2. http://www.iml.rwth-aachen.de/Petrographie/taal-dt/ta-old-r.htm
  3. http://www.phil-ip-pines.com/taal-philippine-volcano.htmlhttp://http://travel.ezinemark.com/taal-lake-and-volcano-in-batangas-514274c13a9.htmlwww.iml.rwth-aachen.de/Petrographie/taal.html
  4. http://1day-at-a-time.blogspot.com/2009/04/knowing-taal-volcano.html 
  5. Papa Lito Anillo at mga kwento ng matatanda :)

Monday, April 11, 2011

The Princess Invites you to her 18th Bday Party.

Best night of my life.
APRIL 9, 2011

Hindi ko alam pero hanggang ngayon di pa rin nagsisink-in sa akin ang lahat. Para kasing matagal ko na tong inaabangan pero hanggang ngayon, di ko pa rin marealize na ITO NA YUN! Grabe sa expected e. Ilang buwan na akong 18 pero ngayon ko lang officially nadama. Mahirap rin at parang ngayon lang ako nagbabakasyon talaga. Kasi pagkatapos ng pasok, eto na agad inatupag ko.

Laki rin ng itinipid sa gastos dahil sa aking mga kilala/kamag-anak na super talented . (loren, ate bambi and ate olive, kuya brian...) at naging madali na rin dahil may sarili na kaming gamit. HAAaY.


Ano ang climax? Di ko rin alam. halos kainin na kasi ng butterflies in my stomach yung stomach ko. :))  Pagdating pa lang kasi, sumabit yung buhok ko sa puno. (taas kasi ng takong) ayan. Tapos si PIA! Nag-opening prayer! Silang dalawa ni Cai ang star for the night! :) Ang gaganda ng aking mga pamangkin! :) Mahiyain ang mga bisita. Hindi ba naman sumasayaw nung madlang people dance na. Tapos entrance! tapos AVP. tapos pictures. tapos kainan na... sumayaw ulit sila pia ng shake body body dancer!  di ko na kayang ikwento! pictures na lang. :)

PIA AND CAI
Ang aming mga sexy na hosts-- Ate Olive and Ate Bambi (na siya ring katulong ko sa pagpaplan ng program)

 me and my highschool girl friends.. :) 

Dream Girls! AB, me and Gelai

Mga Dayong Tomasino! :) Go USTE!


FUJI 

LUKARETZ (Special Number) ABANGAN ANG VIDEOS
 "Will it ever be... "- Justin Olfato 


sa totoo lang ay di ko alam ang kinanta ni PAULO pero ang cute. :) 
ang pinag aagawan ng mga taga-Laco! (KILALA NIYO KUNG SINO KAYO)
:) haha. GREG singing kahit kailan.

KIDS! :)

My Bangles Collection! Nadagdagan na. Sinama ko yung mga akin dati at yung mga galing sa 18 Bangles ko! THANK YOU MGA 'TOL.

 Istian Bunyo - isa sa aking mga 18 bangles. :)

CHEERS! sa aking mga magagandang tita (take note. sa right side daw ang mga bata pa) HAHAHA!

UST BAND - Txa (Rhythm), Kate (Bass), Panjie (Lead), Karl (Drums) Ako (Keyboard/Vocals)
ZOMBIEEE-EH EH EH!!
BABY I WAS BORN THIS WAAAAY.... (song and dance number with MARIS)



My Father Daughter Dance. :) ♥♥♥
message! message! :) ang da-drama ng mga kuya ko!

Mama.. OooooH...
IYAKAN NA!! XD

 I'm going home.. back to the place where I belong.. and where your love has always been enough for me... :)
Maraming Salamat po! Sa lahat ng pumunta! Sa lahat ng dumayo po! THANK YOU BERIMATS.
Binuo niyo pong lahat ang gabi ko. at di ko yun makakalimutan forever. :)

"di pa sapat yung 18 taon, para masabi kong matanda na ko"

photo credits: Kuya Brian Macalintal, Loren Leycano, Leonnore Castillo, Tam Pongan