Monday, May 14, 2012

Ngayong 5% Na Patunay

Isang bote ng sing linaw ng batis
at ang laman na nagmamalinis
sa unang patak na nagaapoy sa dila kong gayun rin
Bagamat matabang at walang dahilan
na sapat para tunggain at di tantanan
ang siya kong karamay
sa nagmamagandang gabi...
na dumadaloy ang lahat ng nalalabi

Di malaman ang direksyon ng isang tingin
at sa nagagaang utak na walang mailaman
maaalala pa kaya
ang mga namumundi at naghahamog na nakikita
sa isang gabing walang dahilan
na sapat para tunggain at ipahagod
sa inosenteng lalamunan

Gumagapang, kumukuryente mula sa dulong sentimetro
ng dilang naghahanap na't pagkat wala ng yelo
ngalay ang gulugod at kawala ang tanong
Anong naidudulot ng tubig na ito sa akin?
Sa mga naghahanap ng saya
Sa tumatakas sa takot at bulag na mata
Sa mga nagpapalabas ng ikakakata
at ikaaarte sa madla

Nananakot at nag-iisa
Mabigat na ang talukap sa king mga mata
Hinahanap ko ang gigil at kung magiging ano ako
Sa sandaling mapunan nitong espirito
ang aking kamuangan
at ang aking naitatagong katauhan

Mainit ang nasa ilalim ng aking balat
Nagaapulang tiyan at may di hamak na tumitibok
Ang tangi kong kailangang higit sa alikabok
na maglilinlang at maguudyok sa akin

at sasagot sa iilang panalangin
na ako'y may kailangan
higit sa aking kaalaman
higit sa lahat ng hinahanap kong mas mag-aapoy sa aking lalamunan

No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?