Friday, June 20, 2014

Kung Paano Maligo sa Lubugan ng Araw


Bumuhos na ang laman ng takure sa aking dagat
Doon ako'y lulupagi at dadamhin ang alat
Habang damang-dama ang init
at hapdi ng aking palad


Ako'y pipikit at tatalikod sa ganda ng tanawin
Di magpapasilaw sa kadalian ng aking tatahakin
Sa tinitiis na anino at igpit ng mga mata
Maghihintay, magigipit na makaalpas at makawala


Mapalad raw ang nakakatikim ng lunod sa ibabaw
Dahil siya raw ang makaka-kaya
Siya lang ang makakasapaw
Mapalad raw ang minamalas dahil siya ang matatag
Mga tulad niya ang makakapagsabi
Na ang mundo ay hindi lamang patag

Itong bathtub kong umalat na sa aking luha
Na nagbara dahil sa nangalas kong mga buhok
Dito sa ilalim ng dagat mayron pa ring lupa
Na bababaw rin na parang mga bundok

Wala ng sabon-sabon, ako ay di mag-aalnaw
Ang ligo ko dito sa dagat ng nilulubugan ng araw
Habang buhay mang tubig-alat ang aking tubig tabang
Ako'y nalunod at maligaya, pagkat matututo akong lumutang



No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?