Tuesday, April 1, 2014

Grand Finale of 5 Years

Minsan ang hirap isa-isahin ng napakahabang panahon. At isa ito sa minsang iyon. Napakahaba pero kung iisipin ko ngayon, ambilis lumipas ng buhay estudyante ko. Siguro kasi hindi pa rin ako handa, siguro kasi wala pa rin akong alam na patutunguhan sa buhay.

Limang taon akong umakyat at unti-unting napapasabak hanggang sa maging mala buwis buhay na ang lahat. Sa prosesong yun, halos lagi akong nagrereklamo at lagi rin naman akong umaasa na matatapos ko to sa isang tira. At sa kadulu-duluhan hindi ko maikakaila, MAHIRAP TALAGA. Mahirap pero masaya ng magtapos ako ng kolehiyo ng BS Architecture.

Jeren!

Malaking hugot ng tinik sa dibdib at nakakawalangya talaga sa pakiramdam. Lalo na nung Baccalaureate Mass. Ewan ko ba pero hindi na natuloy yung auto-post ko mula sa Instagram at natigil na lahat ng mga picture tungkol sa buhay ko dito sa aking blog. Pero napakarami na ng nangyari mula noong ako'y makapag-graduate.

Napasalamatan ko na siguro lahat at nakuha ko namang makapagbahagi ng mga saloobin ko tungkol sa pagtatapos doon sa Interview with 5th Year Student. Sa ngayon, ito muna bilang tala sa mahalagang bahagi ng buhay ko. :)

No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?