Thursday, July 4, 2013
Ang Punong Nakatanim sa Ibabaw ng Bulkan
Ikaw na nakatanim sa gitna ng gubat
Nanghihigop ng higit na tubig para sa kanyang ugat
Nanananggi ng sanga
Na may mga bulok na bunga
At kinikiskis hanggang magsugat...
ang naninigang kong balat...
Ikaw na nangmamandong malupit
Sa kagubatang lahat sumasabit
Sampid akong matindi sa pangarap mo
Ikaw na nakatanim sa gitna ng gubat
Na kay sarap buhusan ng tubig alat
Para makaalis ka sa anino mo...
Ikaw na mangingikil, puno ng katiwalian
Kahit hindi pulitikong nakatanga sa kanyang upuan
Na sumisigaw nambubulabog
sa isang matiwasay na gabi
Harok pang magaling na parang buhay ay di nalalabi
Ang punong langit kung makasamantala sa mundo
Kay sarap bikwasan ng tunay ang noo
Nagpakulong matindi at sasabog ang aking bulkan
Sa ugali ng punong nagmamagaling
At sa Orocan inuulan
Maglaho ka sa makapal na pangalang walang makakaalam
Magtiis kang poot sa aking tiis na maskarang nakangiti
Pagkat ako'y batang puno
na walang sangang isasangga
At ang kaya ko lang ay itago ang ulan
sa likod ng aking mga mata
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
so, whatcha say?