Friday, December 14, 2012

Ala Eh! Roadtrip!

Apat na araw kaming bakasyon. Dahil una, Biyernes, Christmas Party ng mga Faculty (December 7), Sabado, Piyesta ng Immaculate Concepcion (December 8). At ang dalawa naming pangkaraniwang walang pasok, Linggo at Lunes. Akala mo, mga walang pinoproblemang RMA, Design Plate at mahabang panulatin sa PP. Ilang grupo ring magkakahiwa-hiwalay ang nagkanya-kanyang kumawala sa mundo ng pag-aaral. May dalawang pagdiriwang ng kaarawan (Guillen and Kieve), isang tour sa Quiapo ng Heritage Conservation Youth, at mayroon ring Christmas Party sa mga nagtatrabaho sa ISM.

Ika-8 ng Disyembre - Nakilahok ang walo sa klase sa Ala-Eh Festival na ngayong tao'y nasa Tanauan City, Batangas. Walang konkretong plano. Nag-aya ako ng ilang mga tao kasi di ko naman afford ayain lahat dito sa aming maliit na bahay. At hindi inaasahang makakapunta dito ang mga pumunta, at masaya naman ako. :) Bonding na malupet ika nga.

Pansamantalang paghinga at pagkawala sa makapigang utak na buhay-eskwela. 

Dumating sila Tam (MONET), ang aming driver, si Vince (VP), Eric (KLAUS), Cielo (ROCHIE), Rina(DYOSA), Kim (KIMMY) at Egbert (NIELSEAN) sa Ambulong ng mga 9:30 o alas dyis ng umaga, sakay sa astig at mabangis na Estrada ni Doña Monet Santibañez. Nagkasya silang pito. At sabi ko rin naman, pagdating siguro ng Tanauan at wala na sa SLEX e pwede na kaming magpaka-cinematic feel sa pagsakay sa likod ng pick-up. Ito yung mga tipong ang sarap singitan ng roadtrip na soundtrack ng sakay. Yung pang gimik-feel ng barkada movie. Tapos parang nakawala kayo sa mundo sa sobrang saya ng hindi planadong adventure.

Cue in.. "First of Summer by Urbandub"
PLAY MO HABANG NAGBABASA HA...

Ang mga dayo galing Maynila :) 

Boys in the back. Damang-dama ang awra :))

Ang mabangis na Estrada ni Doña Tamara Monet Santibañez :)

Paggala sa Tanauan 

ITO ANG ROADTRIP!!!
Ito ang may award bilang Best Picture na magrereflect sa isang araw na yon :)

Unang stop pag dating nila. ay sa Aplaya. Sa Lawa ng Taal. Ito yung pinakaproud ako sa lugar namin at alam kong matutuwa rin naman sila. Panahon na para ipakita ko ang pinakamamahal kong Taal Lake at Taal Volcano. Kahit medyo malapit na magtanghali ay pumunta kami sa dulong kalsada ng Aplaya, sa may bahay ni Mommy Dory, sa ilalim ng magandang puno ng Narra. :)


Nawala yung usual na tulay na makakapagpaliban sana sa amin papunta doon sa Bahay. Kaya naghanap muna kami ng madadaanang/matutuluyang mababaw na putik. 

Pero in the end, lumusong na rin kami sa umaagos na mababaw na ilog

Sugod na ba? Sugod! Sa baha nga sa España sumusugod kayo e... :)
"Uy tingnan niyo yung mga tadpole o, parang S----" -Kim =))))


Sunod, pagkatapos ng pag-alnaw ng paa sa bahay. Dumiretso naman kami sa Santor, sa bahay ni Kuya Anjo at ni Ate Cha, para mamiesta! Happy Fiesta Barangay Santor! Heto ako't may dalang imported na mga dayo para mamiesta. Naentertain pa panandalian ng mga pa-cute kong pamangkin. :))

Si Kim at ang libreng take home na Leche Flan :) 

Habang nanonood ng MARIMAR, hinahanap si FACUNDO, si ERIC daw si FULGOSO, si TAM daw ang tunay na MARIMAR ng PILIPINAS at si MAM ---- este...  kinukumpara ang mga nakikitang tauhan sa mga PROF :)) HAHAHA


Special Participation of CAI. :) Ang daming "BERN" daw :) 

Next Stop. Sa bayan ng Tanauan para sa AFTER-SHOW ng ALA-EH FESTIVAL. Hindi na namin naabutan kasi di hamak na siksikan sa bayan, wala pang mapagpaparkingan sakaling makapunta kami don para manood nung mismong Street Dancing at Float Parade. 
WALANG INIT-INIT SA ROADTRIP MGA MARE. :) 
Sa halip, naabutan pa naman namin ang mga nakadisplay na FLOAT. May malaking manok, may malaking Isda, may malaking Kabayo.. ay Kalabaw.. Ay Baka pala... :))



SA PLAZA MABINI.

CALACA FLOAT, dedicated to the proud Calaceña herself, Carla Palo :)) NEXT STOP SA INYO! 
ALL HERE... SO NEAR :)) 
Doña Rochie sa Pantoja :)
HAPPY EGBERT! Pero mas masaya siya nung nakasakay siya sa MUSTANG ni PAPA :)) 
Nagpunta rin kami sa huling araw ng ALA-EH FESTIVAL trade fair kung saan nagbebenta sila ng mga specialty ng bawat bayan sa Batangas. Halimbawa: mga suman sa Tanauan, mga Balisong sa Taal... At doon kami bumili sa nagpapaprint ng mga T-SHIRT.

Turistang-turista lang ang PEG! :) 
Habang hinihintay namin ang pagpaprint ng aming souvenir, ay dinala ko naman sila sa isang magandang HERITAGE SITE sa malapit. Ang bahay ni dating pangulo, JOSE P. LAUREL. :) Alam ko maaappreciate nila yon bilang mga alagad ng arkitektura... NAKANAKS


THE ARCHITECTURE OF TANAUAN 

^
ST. JOHN DE EVANGELIST CHURCH PARISH. Ang simbahang kinalikahan ko. 
at ang BAHAY NI JOSE P. LAUREL :)

V




Rocheric Labteam
"ANG MUNTING TAGPUAN SA LIWASAN :))"  -Vince Palapal
#DyanNagsisimulaYan
At pagkatapos ng aming paghihintay sa malilom na mga puno. Magaang hihip ng hangin sa siestang hapon at papicture kay Laurel. Ay nakuha na namin ang mga Ala-Eh Shirt. Nagkaayaan ng umuwi ng Ambulong para maisuot na ang T-Shirt at kung kakayanin pa ay makagala sa Farm sa Maugat o sa Baradas Airstrip sa Santor.


Pasubali saglit, eto na yung favorite part ko sa FIRST OF SUMMER "Anywheeeereee with youuu"
OUR SONG.. PLAYS ON..


FRONT VIEW :) First kumpletong Group Shot :) 

SOLO REAR VIEW SHOTS :) 

Inabot na kami ng padilim at medyo kinakabahan na akong gabihin sila. Sa Tagaytay kasi sila dadaan. Sa malupit at mahagupit na Sungay :) Ang sabi sa kin nila mama, sa Balai Isabel ko na lang raw sila dalahin imbes na sa Farm o sa Baradas. Kasi makakakain pa kami roon at di hamak na mas maganda yon lalo na ngayong palubog na ang araw.

Tinawagan ko na si Kuya Paul sa Balai at isang huling roadtrip na kumpleto kaming walo. Papunta sa pinaka-CLIMAX. Ang Final Stop. Ang huling matinding closing ng roadtrip na 'to. SA CLUB BALAI ISABEL ng Talisay :)

Pagpasok pa lang namin, alam ko, kailangan ko na silang dalahin sa Aplaya. At naroon nga't naghihintay sa amin ang kasalan. :)) HAHAHA. Dalawang kasalang sadyang kay romantiko sa tabi ng banayad na alon ng tubig sa dalampasigan... at ang haplos ng sinag ng araw sa tubig, at sa aming nakangiting mga mata.



"FACUNDO! KUHANIN MO ANG TRIPOD! MAGPOPHOTOSHOOT TAYO!"

Tapos na yung First of Summer? 
Eto naman, click mo para tumugtog :)
PURE SHORES by ALL SAINTS
http://www.taniaamazon.moonfruit.com/communities/5/004/007/325/175/audio/4529899032.mp3

Ito na yung pagpinta ng kahel na ambiance. Nakatingin sa Sunset at nanonood ng mga kasal. Ang ganda ng patak ng liwanag. Ang gaan ng pakiramdam. at kulang na lang ay...

HAPPINESS! :)) 
VINCE, RINARY and KIMMY
"In a place I can call mine... "
CIELO, RINARY,BERN, VINCE and KIM :)

Me and Cielo :)) Shot by Eric. ALAM NA :)))

E, akala namin SILHOUETTE lang ang makikita
"FACUNDO, AKO LANG DAPAT ANG NASA PIC NA ITO!"


Panahon na para tumalon.. sa harap ng Lumulutang na Bahay sa Taal :) 


Si Vince lang yung nakakatalon ng mataas sa lahat ng pilit naming GROUP JUMP SHOT :))


At hindi pa natatapos ang saya. Dahil sa pagod na rin kakatalon, pumunta na kami sa Terrazza para magmeryenda/ hapunan. At doon, may isa na namang kasal. Iba na ang patak ng liwanag. Nagiging pandot na ang langit. Oo. Naghahalu-halong magenta, light magenta at dark magenta :) At narito kami sa tapat ng pool, sa tapat ng kinakasal. Naghihintay sa aming inorder, habang nangangarap ng gising. 

"Sabay-sabay tayong magpapakasal dito a" - Rina :)
HAAAAY....


"Pinapangarap niyo rin bang mga lalaki to?", patukoy ni Kim sa nagaganap na Kasal. DREAM WEDDING ang pagkakabansag nila, Sa tabi ng dagat, may tumutugtog ng mga makaantig damdaming mga kanta at nilalamon kami ng nakakakilig na hatid ng paligid.
"Pinapangarap namin para sa inyo", ang sagot ni Vince.
"AWWWWW"
"Good Answer! Good Answer!", ang hirit ni Egbert.

Hindi pa natapos ang lahat, sa pag-aakala namin. Matapos ang isang masarap na salu-salo at chikahan ay may sorpresa pa palang hatid ang araw na ito. Palabas na kami ng Balai ay lumiwanag ang langit. FIREWORKS!!! Inangkupo naman!! AKALA KO BA ANG SAYA NA, tapos may ENDING FIREWORKS PA? Ano to? Pelikula??? :)) <3 p="p">

Nagpaalam na ako sa kanila, dahil hindi na ako makakaakyat ng Tagaytay. Matapos ang paalaman at pagbibilin ko ng, "Uy, Alalay lang Tam sa Zigzag road a!", ay umuwi na sila. Paluwas sa Maynila. Paluwas na Tunay na Mundo. :)

Ang saya lang, kahit na isinulat ko tong kwentong ito ng nakalipas na siya ng isang linggo ay hinding-hindi ko pa rin makakalimutan yung pag-iba-iba ng kulay ng Langit ng araw na yon. Noon ko lang uli nakitang kulay pink, este- kulay magenta ang langit. Noon lang ulit ako nakapunta ng Balai ng may kasal at may fireworks pa. 

Balang araw, sana masabi nila... "Minsan akong nagroadtrip nung nag-aaral pa ko, at isa na yung don sa Batangas, wala kaming plano non. Basta, tara lang! Ayun, hindi ko na nakalimutan"


Kinailangan namin ang araw na yon. At masaya naman kaming lahat. Masyado ng nakakalumo ang pagkakapetiks namin sa Arki. Nagbabanjing-banjing sa kabila ng lahat ng nangyayaring katambakan ng trabaho. Teka lang po, mga bata pa rin po kaming gustong maglaro at makaramdam ng kawagasang saya paminsan-minsan. At ito yung hinahanap-hanap naming takas sa totoong mundo. Yung mala-pelikula, at alam mong hinding-hindi mo makakalimutan :) 

HANGGANG SA MULI,
CESS :)




photos from Rochelle Cielo and Tamara Monet Pongan :)
click for FULL ALBUMS :) 

No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?