Monday, November 26, 2012

Lagyo





May naiwan ako sa aking panaginip
At hindi ko alam kung ano ito
Na para bang kay bigat na ng aking nakalimutan...
Pagkat muli't-muli kong pinipilit hanapin ito









At sa bawat idlip, ako'y nangangalas
Magbibitak-bitak ang aking kaluluwa
Naghahanap sa dilim, sa gubat nangangahas
At napapalinga sa bawat napupuna










Nagkasalubong ko ang mga kaluluwa
Na di ko naman noon kilala
Nagkaharapan sa maraming salamin
Pansamantalang natigilan at nanlaki ang mata
At nagitla sa kulog na gumambala sa kalangitan
Lumabas ang biglang hamog at ulap sa kahanggan
Pero ni hindi pa rin lumiwanag ang nagdidilim kong kaisipan



Hindi mag-isa-isa ang mga nagkatagpo
Bagkos napatingin sa madilim na paligiran
Tsaka lang nakurot ang sarili
NAMATAY ANG ILAW
at ako lang ang nasa kawalan...
AKO pala ang aking doo'y binabalik-balikan
AKO pala ang sa panaginip ko ang aking laging naiiwan...




(Lagyo - kaluluwa/essense/spirit)

No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?