Thursday, July 21, 2011

Orasa

Lahat na lang sinasabi, sana MAIBALIK natin ang panahon. Nagtutulungan naman, May malay ang lahat, dumadating pa rin naman lagi ang sunod na araw.

Pero, may iba’t-ibang tao sa “Nagtutulungan”. May mapapel lang, may nagpapabango, may sinasamantala lang ang lahat para sa sarili lang niyang pagkaligtas sa mundong ito, may sinasagad ang lahat para lang MAHILA tong Orasa na to, para mapatumba at maibalik ang panahon, pero wala, KULANG PA sila. May mga tao ring Walang alam, may kulang sa alam at kulang sa pakialam.

Tingnan na lang natin yung nagawang butas ng Kakulangan na yon. May mga maliliit na taong naiipit, nagigipit, nakakapit sa patalim, naiiga na ang palad sa pagmamalasakit, SIGAW LANG NG SIGAW pero wala namang nagagawa!

May mga taong nagpapakasuperman pero HINDI NIYA KAYA talunin ang oras. Walang may kaya. May nagpapalabas na tumutulong pero malabo naman ang tunay niyang dahilan.

Ang mundo ay namamatay na at puno ng taong SANAY na sa pagtatanggi at pagtuturuan. Lagi na lang tayong Umaasa na aasa pa tayong may pag-asa pa. Pero anong mangyayari kung nagsasapawan ang kilos natin sa mga NAGMAMALABIS at DAMI NG NAGBABALIWALA.

Darating rin na matutumba ang orasa, Maililigtas na yung babaeng nanginginig na sa lamig, walang saplot, babad sa luha, at pagtatampo. Siguro konting tulak, higit, angat ng konti, kapag yung nagpapapicture, tumulong na, baka sakaling, MALIGTAS nila, kahit di man nila mabaliktad, matumba lang nila. MALIGTAS LANG SIYA.

Humanities Painting
JULY 21 PRESENTATION
DENIAL ON CLIMATE CHANGE IS DANGEROUS IS IRRESPONSIBLE***
di ko sure.

Haha. MABUHAY! Smile

2 comments:

so, whatcha say?