Friday, July 22, 2011

Pasahero

Sa puso kong naghahanap ng kababawan
Maitakas man lang ang isang sulyap
Malabong makuha sa gitna ng tag-ulan
Ang ilaw na pundido’t paandap-andap

“Tama na!” Ang sabi ng tsuper na aking sinasakyan
”Ilang beses ka ng PUMAPARA pero di ka pa bumababa
Nakailang ikot na rin sa ruta, nag-iintay sa pilahan
Bakit ka nagbabayad pa rin, wala ka namang pupuntahan?”

Ngarag ako’t kapit, sa dulo at nag-aabot
Ng bayad ng mga sumasakay, nakikisuyo ng barya
Kahit ako’y nahihilo, braso ay baluktot
Naiipit ng mga pasaherong estranghero sa mata

Pano ko mahahanap? ang siyang aking bababaan
Kung hindi naman sa RUTA, siyang hinahanap
takot pa kong bumaba, hanapin nang naka-paa
Isa-isahin, guludgurin, bawat salamin ng alapaap

Ako’y umiipod na sa dulo, nagbabakasakaling pumara
Pagkat kahit ako’y nagdududang, ako’y bababa na
Sasabit ako ng sandali, kahit ang kapit ko’y dumulas
Malalaglag akong sasagaan muli..
Kahit sugatan, kahit sa puro gasgas
Pagkat ni minsan di ko tinuring ang byahe ko’y MINALAS..

No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?