Saturday, October 17, 2009

Tulang Hugot sa Ilalim ng Lupa 1

PALAYOK NA BASAG

Muling kumatok ang pukpok ng martilyong kay bigat
Nahihithit ang hininga na ngayo'y hinahagad
Nanunuot ang galit dahil pasan ko ang inis mo
Ngunit nawala ang lahat agad ng pagkunot ng noo
Alay-alay ang lihim na wagas at magulong pag-iig
Sa akin nakabitin ang payaso na iyong kabig
Laht ng hininging patawad. di makuha sa isang banat
Napapagod sa paghintay sa iyong muling salamat
Bakit pa hinihintay kung ako mismo di makaya
Ang pagkakataong magkakatabi tayo sa silya
Huminto na ang kanta, di pumapalag ang talo
Sa huli ako'y bitin muling nasasakdal sa kaso
Senaryo ng bituin at buwang nakatago sa ulap
Naghihintay ng tilaok at ang puso'y hinahanap
Pikit kong binubulag ang sarili kong mata
Madala ko lang ang puso mo dito sa tunay na nagsisinta
Isang pitik ng oras at gabok ang magpupuwing
Hihipan ko ang iyong matang naduduling
Wag ng mapagtanto pagkat iisa lang ako
Taong di makulbit ang di manalo-nalo
Matagal ko ng binasag ang palayok mong nakabitin
Ngunit wala akong napulot habang ako'y nakapiring
Nang matanaw ko ang mga bubog na aking nilamatan
Gawgaw na lang at papel, pagkat ako'y naubusan
Nanginig ang aking daliri ng mawalan na ng tinta
Pagkat kahit anong pilit, wala pa ring napapala
Inspirasyong nakabaon sa isip ng naluluka
Ngunit hawak pa rin ang hikbi sa pag-ibig nadudusta
nasan na ang matamis na salitang katunaw-tunaw
Niligtas mo pa ang puso kong hawak ng bakulaw
Hindi mo malay na kaladkad mo ang aking pagkatao
Sugat sugat ng nagpapadala kahit di mo masamo
Isang asul na ilaw ang nagliliwanag sa paligid
Isang gabing lamig at nanunuyong gilagid
San'y ikaw na lang ang unang yapos sa'king ginaw
Kahit di na magmulat dahil di matatanaw
Sa isip kong naririndi sa sariling nagmumuktol
Ilang beses na ring nauntog pero di pa nagbubukol
nahihinog na ang sugat, nalalamog ang katawan
Hangad ang sandaling matunawan ng hinahangaan
Nasaan ka na prinsepe, sundalo ng buhay ko?
Bakit di pa mahantong ang oras ko sayo?
Alam kong naghihintay pa rin ang oras ng kinabukasan
Habang tanaw ko ang mata ng aking mundong ikaw lamang

PINIWEET.

No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?