Friday, January 23, 2009

OLFAN, LCCIAN, 1997-2009 Part 1 (Elementary)

12 Years. Siguro mejo maaga pa para magblog ako tungkol sa aking last year sa La Co. Parang kelan lang ang lahat tapos ngayon, college na nga. Magkakahiwalay na ng school, sa Maynila man, sa Batangas o sa mga karatig na lalawigan. May papasok pa rin sa La Co para makapagdebut (*for your info, may scholarship ang LaCo for graduates kaya maraming nakumbinsi), may mga papasok sa La Salle Lipa, may Lyceum, may University of Batangas, may PUP, ewan ko lang kung me papasok sa Faith. tssk. May UST (ouch), may UP, may DLSU, may St. Benilde's (tama ba spelling?) at hindi ko na alam kung saan pa ang iba. Oo nga't magkakahiwa-hiwalay na pero, iba talaga ang dyahe kapag dun ka nagsimula tapos ngayon, aalis ka na.

12 Years.


Kinder 1

Si Teacher Ann ang aming teacher at ako'y panghapon. St. Therese. Hanggang ngayon, si Teacher Ann pa rin ang teacher ng kinder 1. Napakatagal na niya. Haha. Sa katotohanan, suot ko ngayon sa ID ko ang ID ko nung kinder one ako. Hay. Nakakanostalgic. Yung mga tipong ayaw mong magpaiwan sa mama mo kapag ihinatid ka. At tuwang-tuwa ka sa makukulay na upuan ng gawain ng kinder. naaalala ko pa rin ang mga katabi ko noon sa upuan. Si Clariz, si Jerome at si Karen. Magkakaibigan pa rin kami ngayon at ilan sa mga piling RESIDENCE AWARDEE. At proud akong SECOND HONOR noong kinder 1! Haha! Yung iba naming kaklase noon, napalipat na ng ibang section pero hanggang ngayon, magkakakilala pa rin kami.



Kinder 2.

Si Teacher Emma naman. Wala na siya ngayon sa La Co. St. Ma. Goretti. Pero napanaginipan ko kasi siya noong isang araw. Sana naman, naaalala pa niya ko. Tssk. Mas marami akong kaklase ngayon ang kasama ko ngayon sa klase sa 4th Year St. Peter. At ang pinakamemorable sa Kinder 2 ay yung aming graduation. 5Oth Golden Jubilee noon ng FATIMA at bonggang, bongga ang aming graduation. "DISNEY THEMED". Ako si Belle, from Beauty and the Beast. na si JM Segismundo. Nasa Bicol na siya ngayon. Si Clariz Yap naman si Cinderella at si Vincent Panlilio naman si Prince Charming. Si Karen Latade si Sleeping Beauty at si Robert naman ang Prince niya. Si Kristine Amor Gonzales si Ariel, Little Mermaid. Si Ann Camille Sumague(Barairo), si Pocahontas, si Paulo Castillo, Aladdin at si Jasmine si Alyssa Nina Malveda. si Emylene Pamplona naman si Snow White. Kumpleto yan, may mga tagakanta sa Beauty and the Beast, may mga Daga sa Cinderella, may mga Dwende si Snow White, may mga ibon si Sleeping Beauty, may mga damo at isda si Little Mermaid. at maraming mananayaw sa Aladdin. at natapos ang mga presentation sa isang kanta, "If We Hold On Together"




Grade 1
St. Anthony. Dito na nabuo ang mga samahan. Pero kung tutuusin, 11 na lang kaming st. peter ang consistent na nasa Star section, since grade 1. Si Jean Hernandez, Renelou Leycano, Karen Latade, Leonnore Castillo, Emylene Pamplona, Ann Clariz Yap, Bernadette Anillo, Jeffrey Suelto, Paulo Castillo, Mariecon Lat at Ann Bernadette Belen. Yung iba, nangibangbansa na, (TIMMY!), napalipat ng ibang section, at lumipat ng school. Masaya rin ang grade 1. kasi dito nagsimula ang lahat.



Grade 2
Wala ako masyadong mareminisce sa Grade 2. St. Gertude, bukod sa dito na nagsimula ang aking cellphone. in case you don't know, ang number ko po ngayon ay ang number ko pa rin since grade 2. Wala lang. naging memorable rin ang mga araw na naghahanda ang mga kaklase namin pag may birthday sila. Si Ms. Calicsihan ang teacher namin dito at hanggang ngayon, nandun pa rin siya sa Elem. Naging kaklase na namin dito si Alyssa Latag, Sofia Natanauan at si Francis Carandang. St. Peter pa rin itong mga to.



Grade 3
St. Margaret. Ito ang simula ng pang-unang Margaret. Malalaman niyo mamaya. Sa totoo lang ay marami akong naaalala tungkol sa Grade 3. Ng taong to pumasok sa tropa si Justin Olfato at si Dexter Roxas. Ang napakabait kong teacher na si Mrs. Evangelista. Sa kanya ko natutunan kung pano maging enjoy sa English! Pero ang higit na hindi ko malilimutang pagkakataon ay ito. Nagsusulat kasi noon si Mariecon ng Noisy sa blackboard at dahil binubura ito palagi ni Agrix at ni Dexter ang kanilang pangalan, nagalit si mariecon at umiyak. Pumalit ako sa kanya at ako ang naglilista ng Noisy. Nang magtagal, at isinulat ko ulit ang mga pangalan ni Dexter at agrix, binura nila ulit!! Sa galit ko, sinabunutan ko si Agrix!! At dahil hinigit niya ang ulo niya ay inuntog ko sya sa sahig!!! Pero mahina lang to! Naclinic si Agrix at umiyak ako. Nang kausapin kami ni Ms. Cuenca sa clinic, may hawak si Agrix na yelo sa ulo. at ako naman ang naiyak. Haaay... Hindi naman ako naoffice. Simply Memorable.




Grade 4
Ehem. Another St. Margaret year. Dito, ang building namin ay ang tinatawag na OLD BUILDING. Hindi ko alam kung ano talagang pangalan ng Building na to. Ang kutob ko ay Mo. Consuelo. Pero never mind. Isa rin sa pinakamemorable ang pagiging grade 4. Nadagdag na si Christian Bunyo at Patricia Tolentino. EEE!! Panandaliang nawala si Dexter. Ang adviser namin noon ay si Mrs. Saludo. First time kong maging class officer na naaalala ko. Treasurer. at ng kapanahunang ito ay ginigiba na ang old building at nagtatayo na ng bagong building, na maganda na ngayon. at dahil gingiba na nga. napakaingay ng paligid, ang CR, harang ng plywood. ang panghe doon sa classroom na nandoon. badtrip sa mga katapat. tssk. At dahil maraming ginigiba, maraming mga offices ay noon ay ginagawa naming tambayan. Dito nagsimula ang pagpapangalan ng mga barkada. ang FUJI! ever since. Ako, si Paulo, si SC, si Loren at syempre si Timmy. Yung ginibang coop, tambayan yun ng FUJI at ang pangalawang payong ng canteen. nadagdagan ang FUJI ng napakaraming myembro at dahil dito, ang ginibang coop tambayan ay laging may cooking show, kung saan ang mga master na si Kevin Umayaw, JM Segismundo at Niko Umayam ay ang aming mga master cooks. pinaghahalu-halo nila ang napakaraming bagay na hindi naman kakainin. Simply memorable. Isa rin sa memorable sa grade 4, ay ang intrams na una kong sinalihan. volleyball, nagserve ako, lumipad sa taas ko. Haha.Nagmuse rin nga pala ako. Naks.at ang, DA WHO. Da who ang classmate ko nung grade 4 na di pinayagan ni Mrs.Filipino teacher na pumunta sa clinic. Sinukahan ang kulot na katabi. Pinahiram tuloy ng medyas itong si kuloy ng isang babae from class ng medyas. :)




Grade 5
Panandaliang Nawala ang buhay St. Margaret. at ang grade 5 year namin ay St. Magdalene. At ang margaret ay napaibang section. tssk. Pero star section pa rin naman. Ang una naming adviser ay si Mrs. Arguelles, pero nagabroad siya, kaya ang naging adviser namin ay si... Ms. Belen! Ang saya-sayang teacher at napakasupportive. Ang tawag niya sa touch and go ay IPOT at ang tawag niya sa zero ay ITLOG. Dito, napasama na sa kuta si Raisa Perez na transfer mula Canossa. Buong-buo pa rin ang tropa. Pero may isa akong memorable moment kasama ng FUJI. Recess kasi noon at uso pa noon ang kanin pag Recess. Maling with rice, kanin with rice (tama yun), hotdog, cornbeef, omelette at mayaman ka na pag nagbarbeque ka. Pero one time, may bagong menu, tilapia with rice. so, sige naman ako ng pagbili. nang makita ko,anliit ng tilapia. pinagtiyagaan ko. KRRIING! Time na! pero di pa ako tapos. Hinintay na lang ako nina sc, loren, timmy at paulo. Pagbalik namin ng classroom, nagsurprise quiz si Mrs. garcia sa PE at ITLOG! kami. Huhuhu. Bukod kay Loren na nakahabol ng One point. masyado kasing maalaga sa oras si loren. At oo nga pala, Grade 5 rin pala ng unang madiskubre ang aking singing skills. naks. Napakagandang moment. pero dyahe pa rin. baguhan e. Si Kate kasi, lumaban ng President ng SCB at kinuha akong grade 5 coordinator, pinakanta ba naman ako. tssk. One Moment in Time Yun! pero natalo ako. at dahil doon, nabigyan ako ng pagkakataon na kumanta ulit. To Love You More naman. Haha. ASTIG!



Grade 6
Kami na ang Royalties. pero grade school pa lang. Pero iba pa rin ang Grade 6. Nakaaangat ka na sa buong teritoryo niyo! Palaging excused sa klase. Puro officer. Lumaban
naman ulit ako ng SCB. OIC on Cleanliness. Naks. Parang di bagay sa akin. Kung titingnan niyo ang kwarto ko ngayon. Pero hindi pa rin pinalad. Talo pa rin. Pero Secretary naman ako ng ever popular young artist club. Marami rin akong naaalala sa pagkaGrade 6. Ang field trip sa Star City. Ang mga Intrams. At oo nga pala. ST. MARGARET NA ULIT KAMI!!!! at ang adviser namin ay ang EVER sexy ang gorgeous,Mrs. Latayan. Kwela magturo ng Math. Kaya napakamemorable din ng grade 6 year namin. Nagtahi ng apron, nagawa ng maraming project. (OO). At syempre, wala ng mas magiging memorable pa sa pagiging official na myembro na ng OLFAZETTE. Dito na nagsimula ang lahat. simula initiation hanggang sa ngayon. Hindi ko ikaiilang ako'y isang dakilang manunulat ng olfazette. At ang pagiging Olfazette, nakarating ako ng Imus, Cavite, REGIONALS 2004! Sleepover sa Imus, Cavite for One week. At napakasaya noon kasama ng aking mga kaOlfazette, si Clariz, si Paulo, si Emy, si Rona, si JM, si Nyron at si Pie. Nakahiwalay kami sa mga Highschool pero kahit ganoon, NAPAKASAYA NG REGIONALS NA YUN!!!!


Generalization:
As of what is stated in my history, most of my elementary years are simply memorable. I may have forgotten some minor experiences. But it all comes back to me when I look at my classmates. They are the best. And this experience is worth reminiscing for a lifetime.



No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?