Monday, January 12, 2009

I Will GROWL!!!



Go USTE! hehe. Sa WAKAS! Pasado sa UST. At ang maganda doon, pareho ng course ko pasado ako! Yehey! at ang iba kong mga kaklase, sure na rin kagaya ko sa UST. Kagaya na lang nina Clariz, si Tofer, si Loren. at ang mga di pa sigurado, si A.B, si Ornales, si Bamba, si Noty, si Jane, si Marianne, si Jenelle. at kung sino pang di ko na maalala. At least naman, PASADO NA!

Siguro expected ko na rin naman dahil nadalian naman ako sa mga exam. Ang mahirap nga lang noon ay hindi ako nakapananghalian noong nag-exam ako sa UST. Share lang. Mag-aalauna na kasi nung dumating kami doon at marami ng mga estudyanteng kagaya ako ang nagsisipasukan na sa mga building. My Building is Benavides, Room 315 at ang applicant number ko ay 18981. Haha. tinandaan ko yan lahat. At hindi ko talaga makakalimutan ang gutom at ginaw ko sa loob ng classroom. Yellow na yellow pa ako noon. Syempre, di kagaya nung nag-exam ako sa lasalle taft na nakaBLUE ako. Haha. Doon ko na lang napansin na nakafull Blue ako. Samantalang sa UST, all Yellow naman ako. Haha.

Excited na ako magcollege. Excited na sa bagong mundo. Naks. Nagsasawa na sa pagmamalupit ng highschool at ilang mga buwisit na kaklase. Joke. Nagsasawa na sa school na simula kinder ko pa pinag-aralan. Pero mamimiss ko rin ang mga oras na to. At sa puntong, mag-eenroll na ako sa UST, yun yung puntong, GROWLING TIGER NA AKO! Go USTE! Go USTE! haix. Minsan, feel ko na eexhage na ako sa pagkaexcite ko magcollege sa UST. hindi ko alam. Basta. Sobra.



No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?