Tuesday, September 16, 2014

Prinsesang Nakaupo sa Tasa ng Barakong Kape


Isang Prinsesa, nakaupo sa Tasa
Tasa ng Barako at Purong Kape
Nakababad, nakain-in, walang ibang pinapansin
Kundi ang papel at ang pluma
Lumalangoy, Sumisisid
Anong mundong nasa ilalim?
Anong sarap ng maligo, at sa mundo maging huli
Walang ibang naghahanap kundi siya...
Nakaupo sa tasa
Langhap ang aroma
ng Barako, Puro at Wagas na kape

Friday, September 5, 2014

Babasaging Oras



Isa itong malaking bugtong
na pinako sa kalawakan
Kung bakit di maihinto
ang mga buhangin sa orasan

Hindi mahihinto ang mga kamay
Ang bumagsak na'y di tataas
Gaya ng paglubog ng araw
Walang gabi na walang bukas

Hindi babagal ang mga tapsak
Kahit anong kaunti ng ulan
Hindi babalik ang mga bituin
kung kalagitnaan pa ng tanghalian

Isa itong malaking bugtong
na tanong pa rin sa kalawakan
Anong ititigil ng oras?
Anong ibabagal ng kaligayahan?



Tuesday, September 2, 2014

Prinsesa sa Tore


Masyado na akong huli sa isa sa pinakamatinding pinagdaanan ko sa buhay ko. Matagal, nakakainip, masakit at malayong talon sa kabilang ibayo. Lahat ng ito, gaya ng sabi ng mundo, parte ng buhay. Lahat ng ito, mas sulit pa sa libre, mas sulit pa sa sarap ng simpleng ligaya. Lahat ng ito, may ibig sabihin.




Ipagpapaliban ko ang lahat pagkatapos ng laban.

-Prinsesa sa Tore