 Sa di inaasahan palad, ngayong taon ay wala akong costume para sa trick or treat. Panahon na siguro, para hindi sabayan ang kabilugan ng buwan. Ngayong taon, Grade 2 na si Pia, at kasali pa rin sila sa Trick or Treat :) Dahil sa magandang feedback sa kanyang mga bangas at bukas na lamang loob noong isang taon, medyo (medyo lang naman) naging marami ang interisado sa ganitong klase ng kabangasan. (Nagiimbento ng salita)
Sa di inaasahan palad, ngayong taon ay wala akong costume para sa trick or treat. Panahon na siguro, para hindi sabayan ang kabilugan ng buwan. Ngayong taon, Grade 2 na si Pia, at kasali pa rin sila sa Trick or Treat :) Dahil sa magandang feedback sa kanyang mga bangas at bukas na lamang loob noong isang taon, medyo (medyo lang naman) naging marami ang interisado sa ganitong klase ng kabangasan. (Nagiimbento ng salita)Sa tulong ni Ate Gem, (na di ko rin inaasahan, thank you CPA!), nakamit naman namin ang mga tamang kadelubyuhan at katatakutan ng bawat bata. :)
FIRST MONSTER. The Prima Donya... si Senorita Sophia Tantay Anillo. Ang promotor ng lahat. Alas dos pa lang nakasalang na siya sa akin, at nakatatlong ulit kami hanggang alas kwatro sa kung ano ba talagang hangarin niya sa buhay. Una, yung bangas... Pangalawa, yung bangas pero mas mataray. Sa kinasamaang palad, napuwing siya at kinailangang maghilamos kaya't naulit muli sa simula. At sa kahuli-hulihan... Isa na siyang Reyna ng mga Bruhang Bampira!
|  | 
| Taray Pose! :) Turo ni Ate Ghie yan! :)) hahaha | 
FOURTH BANGAS (at ang pinaka-super-mabait!) Si Von Jacob KOBE Barrinuevo! Behave at tahimik, at hindi gumagalaw. Sumusunod kapag pinapapikit at pinapadilat. :) Sa kanya ko nakagamit ang mga pinagpuyatan kong sugat at tagpi, na may tahi pa! Tseren!
Dadagdagan ko pa ng Pics pag nakakuha pa ulit from sources. Sa ngayon, heto munang mga galing kay Ms. CPA, Kate Anillo. 
Narito ang ilan pa sa mga larawan nilang magkakasama. 
Hindi man ako magaling mag-make up, ako po'y isang pintor, artist, mahilig maglandi ng mga watercolor na yan. Si Ate Gem yung nag-ayos ng mga eyeliner nila Pia at LJ at ako ang nagbuhos ng pintura sa kanila. :) Masaya po naman, at nakapaglakad na naman sa mga bagong sulok ng Ambulong na di ko pa natutunton. At pagsapit ng dilim, wala ng sing saya... kundi makipag-agawan ng kendi kay Pia! :)
hanggang sa muli,
kasi THESIS NA NAMAN ANG KABULUHAN NG MUNDO
AT SEMBREAK NA SEMBREAK PA AKO!
Cess :)
 










 
No comments:
Post a Comment
so, whatcha say?