Monday, December 15, 2014

Walang Yumuyuko sa Langit




Napamahal ka na ba sa ulan?
sa bahagyang maya't mayang tapsak na nagpapagaan
ng iyong kaluluwang lunod
at ang hangin ay susunod
sa pagdaloy ng yong lagyo sa iyong kalulwa

Nagkaroon ka na ba ng gabi...
Na parang may sumabog na nebula sa iyong utak?
nagkukulay bahaghari na mga bulak
at kumikislap kumikindat ang lahat
at uulanan ka ng ligaya

Narito ang langit
nagsasalpukan, nagkakasabugan
sa mga hindi natupad na hiling sa mga bituin
At pinipilit silang tingalain
at panoorin ang laban ng mga pangarap
na kumukulay dugo sa alapaap

...

Ako'y isang tagahanga ng langit
sa kanyang walang humpay na pagbabago
sa kanyang mga ulang dala'y nostalhiya
sa kahel na mga paglubog ng araw at romansa

at maging ragasa ng panaghoy ng bagyo
nag-aalab na ragundong mga delubyo
at Siya pa ri'y tinitingala
siya pa rin ang tinatakasan
siya pa ri'y isang tanghalan
Pagkat walang niyuyukuan ang langit
at sa kanyang mga bituin
ang mga buhay ay nakakapit

No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?