Wednesday, July 17, 2013

Bagong Pangalan :D princessanillo.blogspot.com

Binibinyagan na kitang princessanillo.blogspot.com
Dahil panahon pa ng friendster ka pa pinanganak at lubos kang napag-iiwanan ng kabuluhan ng mundo.

Dear Blog, nais kong magpaumanhin sa pagpapalago ng amag at agiw dito, sa tuwing hindi na kita nabubuksan, o nalalagyan ng bagong post, nang dahil sa pagkahumaling ko sa instagram. Nais kong humingi ng paumanhin sa pagkatamad kong pagbukas sa iyo, at pagkaubos ko ng mailalagay sa'yo ng dahil sa nailagay ko na lahat sa kumare mong si Instagram.

Namimiss na kita. Namimiss ko ng ilagay lahat ng mga kwento at drawing ko ng walang hinihintay na heart. Maaaring mahirap na ulit mahanap ang blog ko, pero hindi naman ako ganun kasikat para manghinayang sa mawawalang mga tagasubaybay. Wala namang may interes bukod sa mga sinasabihang, "uy, paview naman saglit" Kung sino man ang mga nagbabasa, pagpalain ka nawa, pinasaya mo ako sa isang +1 view sa aking kakataang walang malinaw na saysay sa mundo.


Minsan may mga picture na may mailagay lang. :) 
Sa ngayon, eto muna, bilang bagong binyag bibihisan kitang kakaiba ulit, at alalahanin mong hinding-hindi kita ipagpapalit sa kahit anong blog o social media network sa mundo. :)
lovelots,
CESS

No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?