Monday, June 24, 2013

El Niño

Ako ay tigang
Nahihili sa mga nabubuhusan
Ngayong panahon ng bagyo't ulan
Ako ay tigang 
Na tinatamad mag-alnaw
sa sipong dala ng ulan
at lamig sa aking bumbunan


Biak ang aking lupa
Uhaw na at nananaghoy
Naghihintay ng magbubuhos sa apoy
At inaabangang naguumapaw na baha
At hihintayin ang tubig na sa aki'y humupa

Ako ay tigang
Nakaantabay na mapadighay
Nang walang nilalagok na tagay
Naghihintay na mabusog
nang walang nilulunok na tinapay
Naghihintay ng ulan
nang walang tinanim na palay
naghihintay ng gana
nang walang wisyong iaalay


No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?