Sunday, August 26, 2012

Iwan

Lipasan mo ako at hilahin
Nang ako'y di mahurindat sa karipas ng takbo mo
Maghintay ka kung gusto mo, sa pagtirik ng araw
Magaan ang kalulwa, mabigat ang katawan
At nanonood ng mga dahong nililipad sa kawalan
Bangla't walang imik
Hindi alam kung saan sabik
At tumatakbo ang oras
Iniiwan ako't lumilipas
Kasabay ng lahat ng tao
Kasabay ng buong mundo


No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?