Monday, July 30, 2012

Ang Pagsabog ng Bulkan Dahil sa Design



Ang pagguho ng mundo ko, nung namatay yung laptop ko. Ayaw na mag-on. Ayaw na umilaw man lang nung chinarge. Patapos na ako, print na lang tapos imamanual ko na lang sana yung mga mahihirap idetail sa CAD. Ubos hagulgol ko. Nailabas ko lahat ng sama ng loob na hindi ko naman kayang ibukambibig talaga. Nakakalumo, nakakaubos ng hininga, oo, p#*@Q(&!!

Imbes na mapasuko, ay lalo akong naganahan. Domestic and International Airport! Individual Plate! Two Months Duration! tapos 4 days bago magpasahan nawala lahat! OEIDYAOIDHHAKJH!!! Ako'y isang number 8! (Ayon sa Enneagram) at ako'y isang challenger. Tragis. CHALLENGE ACCEPTED.

Pero anjan si Papa para tulungan ako. Nagtesting kami ng mga lumang charger at ang kinabagsakan ko, yung charger ni Transformers kong laptop. :) Nabuhay ulit ang laptop ko. Nabuhay ko ulit ang aking Design. Nakahinga ako ng maluwag at naituloy ko ang gawa ko.

Malamig pa rin at kumakanta si Bagyong Gener ng *WoooOOOSH* 'May nagbabadyang walang pasok bukas' May nagbabadyang magbigay ng ekstensyon' Nakalampas ako sa huling humps sa paglalakbay ko sa mala-thesis na plate na to. Pagnatapos ko to, ipapangalandakan ko ang ginawa ko at ipagmamalaki. Dahil )@&#)(D!! ACCOMPLISHMENT TO PARE!

Narevive ko ang Laptop.
Nasuspend ang klase.
Naextend ang submission
at may isang tasang mainit at YAMIIII na kape.
:) haay life.

No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?