Hatak ang hangin, tila na ang ulan
Malayo na ang narating sa karagatan
Tanaw pa man ang baybayin na aplaya
Ay wala ng magpapahinto na angkla
Di alam ang hahantungin sa abot ng tingin
Di rin alam kung ligtas makiagos sa hangin
Abutin man ng hingalo sa gitna ng kalaliman
Ay nag-aral ng sumisid kapag kinailangan
Mababaw noon sa piling na kaligtasan
At hamak ngayong tangkain ang kinabukasan
Walang takot pumalaot, lumiyag at tumuklas
Kung kakayanin bang mabuhay,
Kung subukang kumalas…
No comments:
Post a Comment
so, whatcha say?